OBJECTIVE: Ma-meet sa personal ang mga paborito kong bloggers habang nasa Pilipinas ako ng apat na araw.
PLAN: Mag-organize ng isang
“Bloggers’ Meet-up”. Puwede itong dinner o kaya inuman. Dahil ako ang nagpasimuno nito, naisip ko na dapat sagot ko ang gastos.
CRITERIA: Dahil limited din ang budget, naisip kong mag-set ng criteria. Sa dinami-dami ng kakilala kong bloggers, baka mamulubi ako bigla. Kaya pumili ako ng mga blogs base sa mga panuntunan na ito:
1. 'Readable'
2. Tackles topics that capture my interest (or)
3. Makes me laugh (or)
4. Has at least one REALLY memorable post
5. Active (non-hiatus)
WHAT HAPPENED: I was actually planning to meet up with around ten (10) bloggers. Pero dahil hindi puwede sina
Aajao,
Kuri, at
Chingoy kapag weekends due to their ‘daddy duties’, I decided to meet-up with these guys separately. I was planning on having dinner with them last Friday night, kaso nabalitaan kong na-ospital ang munting prinsesa ni Aajao kaya nagbago bigla ang plano.
Ang bagong venue ng First Bloggers’ Meet-up:
MEDICAL CITY!
I’ve been reading their blogs for quite sometime now. What I like about them is their maturity, and how insightful their blogs are. Marami akong natututunan sa kanilang mga experiences, like about setting the right priorities and taking responsibilities. Hindi naman sa balak ko na ding mag-settle down, pero iba na kasi ang nagiging trend sa blogging ngayon. Talo pa nito ang showbizness sa dami ng awayan at intrigahan. What these ‘Daddy Bloggers’ blog about is something encouraging and also refreshing to the mind and soul.
Memorable ang naging meet-up kasi: (a) kakaiba ang naging venue; (b) nilakad namin nina Kuri at Chingoy mula Robinson’s Galleria hanggang Medical City dahil walang taxi; (c) masaya at makabuluhan ang naging kuwentuhan; (d) kuwela ang naging picture-taking namin sa lobby ng ospital.
It was such a fun meet-up. Parang antagal ko na silang kakilala at kaibigan kahit first time ko pa lang na-meet sina Kuri at Chingoy. I'm looking forward to meet them again in the future.
Wawa naman si Boneneng.
Sino pinaka-pogi sa aming apat? (Blog ko to! LOL)
Na-extra si Manong Utility.