Isang malaking big deal ang Halloween dito sa Singapore.
Kaya naman sobra din kaming nae-excite kapag malapit na ang Halloween. Isa lang kasi ang ibig sabihin niyan: costume party. Parang adik lang kami ng mga kaibigan ko kung makapag-come up ng costumes, todo-effort at pinag-iisipan talaga ng mabuti. Lumalabas ang creativity ng bawat isa.
Same as last year, nag-organize ang ilang kaibigan ng isang Halloween Party which was held just last weekend. Matagal ko nang pinag-iisipan kung anong pwede kong isuot. I was planning to do a Human Centipede-inspired costume kaso walang gustong mag-volunteer na mag-suck kumabit sa wetpaks ko. LOL! So I just scrapped the whole idea.
The party was awesome! It was well-attended, at da best ang mga costumes!
Mr. Clean
Josie & the Pussycats (?)
Joker
Kool-Aid
Calvin & Hobbes
Peter Pan & Captain Hook
Zoltan
Frida & Steve Jobs
Mummy
Heto ang costume ko last year (Hybrid ni Hellboy at Harry Potter)...
At ito ang costume ko this year…

Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam kung ano ako. LOL! Nabili ko ang costume ko sa Toy Kingdom sa SM Megamall nung umuwi ako sa Pilipinas. I was supposed to be a 'devil', kaso parang mas nagmukha akong Gregorian-Monk-slash-Cult-Master-slash-Gorgom na antagonist sa telenobelang Mask Rider Black. Ampf.

