Monday, January 31, 2011

HAIST!


Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng suggestions kung ano ang pwede kong lutuin para dun sa babaeng tinutukoy ko sa mga previous posts ko. Karamihan sa inyo eh ang isinuggest eh ADOBO. Twice pa lang akong nag-attempt magluto ng adobo sa buong buhay ko. First attempt: PORK. Naging overcooked, at lasang lechong paksiw. Second attempt: CHICKEN. Undercooked naman, at naging oily at maalat. Fortunately, nakain ko naman sila na hindi sumakit ang tiyan ko. LOL! Kelan ko kaya mape-perfect ang pagluluto ng adobo?

Ang totoo niyan, hindi ako nakapagluto para sa kanya last weekend. Pareho kasing busy-busyhan, tsaka kung kelan naman wala akong pasok eh doon siya may trabaho. She’s a piano teacher, by the way. At sa mga nagtatanong, nope, she’s not Filipina. She’s Malaysian Chinese. (Carmen Soo? LOL!)

We’re still in the “getting-to-know-each-other” stage. Saka na ko magkukuwento ng mga detalye at baka maudlot pa. Torpe pa mandin ako.


********************


I just met up with a friend for dinner last night. He’s one of my closest here in Singapore kasi he’s also a confidante, a ‘shock absorber’, and a counsellor. Siya ‘yung kaibigan kong magaling tumayming dahil sa tuwing tatawag ‘yan para mangamusta eh nagkakataong may problema ako at kailangan ko ng kausap at taga-bigay ng advice. Siya din ‘yung una kong tinawagan nung natanggal ako sa trabaho dati, at nag-eencourage sa ‘kin na laging magsimba tuwing Linggo. We are, more or less, of the same wavelength at dahil halos magka-edad kami eh halos pareho kami ng maturity level.

Other than the reason of not seeing each other for a long time, we decided to meet up also because according to him, he’ll be leaving Singapore in March… FOR GOOD! Balak mag-New Zealand ng gago at doon maghanap ng panibagong trabaho bilang tagapiga ng dodo ng cow. Nagsawa na daw kasi siya sa Singapore dahil six years na din siya dito namamalagi. Tinanong ko kung nakabuntis ba siya dito kaya eeskapo, hindi naman daw.

Nakakalungkot lang. People come and go...

Incidentally, magkakilala sila from MAPUA ng isang sikat na humor blogger na ngayon ay nagta-trabaho na din dito sa Singapore, ang first-time OFW na si Jepoy.

36 comments:

  1. ganyan talaga pag mga kaibigang nasesense pag may problema tayo kahit di nagkakausap.

    may barkada akong ganun. timing palagi pag mangamusta.

    ReplyDelete
  2. ang lakas ng ulan sa gapore. kakabagot.

    buti ka nga marunong magluto at magtantya ng timpla ng adobo kahit medyo hindi ganun ung kinakalabasan tulad ng ineexpect mo, ako. di talaga marunong. nyahahaha.


    parang gusto ko na din magpiga ng dodo ng cow. lol. wala lang. kalongkot sa gapore pero 1 year palang ako dito.

    ReplyDelete
  3. Ayan naman si Jepoy eh, kapalit ng nawalang bessy. Malaki laking shock absorber yan. Haha. Small world nga naman.

    Ako din, bihira ko madali yung tamang lasa ng adobo. Ang hirap niya talaga lutuin. Haha. Good luck sa umuusbong na pagibig Gasdude.

    ReplyDelete
  4. Sayang naman hindi mo siya naipagluto. Wag adobo lutuin mo. Para safe naman at mas okay, fried chicken with mash potato ka na lang. You can't go wrong with it. Wala lang. Baka lang mas magustuhan mo suhestiyon ko.

    ReplyDelete
  5. adobo pa din. di pala pinay, lalong the best ang adobo. Ü
    daming koneksyon ni jepoy.wew.

    ReplyDelete
  6. huwow meron kang carmen soo! panalo! sana maging maganda ang bunga ng inyong pagkakaibiganan! wooooot woooott! :D

    ReplyDelete
  7. @ Bulakbol: Sa profession mo nga mas madami kang opportunities na mag-travel.

    ReplyDelete
  8. @ Yow: Marunong ka ba magluto? Hindi pa pala ako nakapagpadala ng picture greeting.

    ReplyDelete
  9. YES, ADOBO IS GOOD BUT YOU SHOULD HAVE IMMEDIATELY COOKED SOME MALAYSIAN OR CHINESE DISH , SHE WOULD SO GREATLY APPRECIATE IT ;)

    ReplyDelete
  10. Miss ko na rin ang adobo. Kailan kaya ako makakain neto.

    ReplyDelete
  11. sige lang tol, baka dis time maperpek mo na. try and try lang :)

    ReplyDelete
  12. tantyahan lang sa pagluluto kuya..wag munang damihan ang toyo at suka sa umpisa unti unting dagdagan nkapag kulang..=)

    ReplyDelete
  13. dahil special mention ako meron akong chismis! Juk!!!

    Ako na lolongkot na din pero sa twing naiisip ko na malapit na kong sumweldo biglang nawawala...

    Mag sama kayo ni Gelo...Hmp! di nag iinvite...

    ReplyDelete
  14. sa susunod ma perfect mo na ang adobo-try lang ng try..

    kakalungkot naman aalis na friend mo sa SG - ang hirap pa naman non wala ka kwentuhan o counsellor dito sa SG-hayst..parang ako (emotera)lol.

    ReplyDelete
  15. pianista! do re mi fa so la ti do!!!!
    adodo lang ang susi para sa isang malaysian!

    ReplyDelete
  16. Sabi ko na nga ba hindi ka nagluto, sinunod mo ang suggestment ko!

    ReplyDelete
  17. @ Kay: Masarap akong mag-fried chicken! :)

    ReplyDelete
  18. @ Goyo: Sana sa sunod eh masarap na ang adobo na maluluto ko.

    ReplyDelete
  19. @ Artiemous: Hahaha kumusta naman ang bagong kasal?

    ReplyDelete
  20. @ DEMIGOD WINZTON: That would be tough, man.

    ReplyDelete
  21. @ OFW in Africa: Luto ka din ng adobo. :)

    ReplyDelete
  22. @ Desperate Houseboy: Ako lang naman ang kumakain ng mga niluluto ko. LOL!

    ReplyDelete
  23. @ ♥superjaid♥: NAKS! Ikaw na ang magaling magluto. Hehe. :)

    ReplyDelete
  24. @ Jepoy: Biglaan nga lang. Simba tayo sa church nila next next week.

    ReplyDelete
  25. @ Che: Hahaha oi EB tayong mga SG Bloggers! Game? :)

    ReplyDelete
  26. bastat may kasamang pagmamahal ang iyong luto ay masarap na yun.. gaya ng pagmamahal mo sakin gasul.. *wink*

    ReplyDelete
  27. may kapalit naman. si sir jepoy.

    For your friend na aalis na ng singapore, it doesnt mean na mawawala na ang friendship diba. Nandyan parin naman sya for you if in case that you needed someone to talk to. May fb at may ym. :D

    ReplyDelete
  28. people come and go..korek na korek yun!

    namiss ko ang adobo..yung maraming mantika,huhuhu

    ReplyDelete
  29. atleast andyan naman si jepoy...gawin mong shock absorber....ahahahhaha....

    kwento mo ang first kiss niyo...ahahaha. kiss agad? lols

    ReplyDelete
  30. maging masaya at ngumiti ka lang habang nagluluto.. that's my secret..:)

    ReplyDelete
  31. Special mention si Jepoy at ang ganda ng description, FIRST TIME OFW!!! hehehhe!

    Idol mukhang mabenta ka sa mga girls outside Pinas!!! Good luck sa panlligaw at sa Adobo Test!!! Cguro me iaad lang ako na tip sau, para sumarap ang luto mo, dapat masaya ka at feeling inspired when cooking. Put only inspiration in your dish and never... i repeat... never... the perspiration. hahaha!

    ReplyDelete