Tuesday, January 4, 2011

You Yes You


Gusto kong isipin na mabait at palakaibigan akong tao. Alam kong merong aangal pero dahil blog ko ‘to, ‘yun ang totoo. Mukha lang akong suplado sa simula, pero kapag nakagaanan na kita ng loob, I’d be a friend to you, and a great one at that.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong merong tinatawag na ‘malicious intent’. ‘Yung tipong maganda naman ang pakikitungo mo pero pinag-iisipan ka pa ng masama. Sila ‘yung walang sincerity sa mga sinasabi, and what’s worst, these people stab you behind your back.

I don’t want to point fingers because that is not the purpose of this post.

This just serves as a warning.