Tuesday, March 29, 2011

Connection


I'm blessed to have wonderful friends here in Singapore.

Isa sa mga kalaban ng mga Pilipinong tulad ko na nagta-trabaho sa ibang bansa ang pag-iisa at kalungkutan. Dahil nakahiwalay kami at malayo sa pamilya at mga kaibigang nakasanayan naming kasama sa Pilipinas, kailangan namin ng panibagong pakikibagay. Parang first day of school lang. Sa simula, mag-isa ka at walang kasama. Kapag hindi ka masyadong sociable at tatahi-tahimik lang, baka tuluyan kang maging 'outcast' sa klase.

Maniwala man kayo o hindi, pero mahiyain talaga ako at isang introvert. (Ayaw mong maniwala? Suntukan na lang.) Usually I don't get along with people quite instantly. Pero ewan ko ba, naawa ata sa 'kin si Papa God. That's why I feel so blessed, in my almost three years in Singapore, hindi ko ata naranasan ang mag-isa (unless intentional). I've been blessed with so many good friends in this foreign country.

Last Sunday, I celebrated my 30th birthday at a blogger friend's place. (Thanks Feeblemind!) Ang tanda ko na! But I must say, it was one of my best birthday celebrations ever. What makes it extra special is that, it was attended by my closest friends here (friends from work, blogger friends, Couchsurfing friends, church mates, etc.). Nakatipid din ako sa pagkain kasi isahang libre na lang sa kanilang lahat. :)

Turning 30 is not that bad after all. I'm really looking forward to this new decade. :)



********************


Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagpadala ng picture greetings para sa birthday ko. Sobrang pinasaya niyo ako! (Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hehehe!) Dahil diyan, pipili ako ng tatlo hanggang lima sa inyo na nagpadala ng picgreet na sobrang nagustuhan ko. Just check your e-mails within the week, then I will try to meet up with you sa pag-uwi ko ng Pilipinas. I will either give you a gift, or treat you for lunch or dinner or coffee or beer. Kaya kitakits tayo... this week or next week. :)

Moving forward, this is the compilation of all the picture greetings I've received this year. Salamat ulit sa lahat ng nagpadala! Special mention din kay Joshy & Traveliztera for sending in their audio & video messages. I will also post them here soon! :)




15 comments:

  1. you have one great set of friend kuya. you are blessed. Belated Happy Birthday! :D

    ReplyDelete
  2. Ang saya naman. Eh pano naman yung samin dito sa pinas? kelan naman yun? hehehe

    ReplyDelete
  3. Happy Birthday Gasdude!

    sayang! di ako nakapagpadala! tsk.tsk.
    matagal tagal din akong hindi nakapasyal sa ibat ibang blog eh!

    Happy Birthday ulit parekoy!
    kitakits.

    btw. april nasa pinas ako.lol parang gusto ko magpalibre..hehe

    ReplyDelete
  4. B-lated happy birthday dude. ....

    ReplyDelete
  5. LSS na ko sa twistin..twistinn'' twistinn the night away.. twistinn twistinnn twistin!

    Happy Birthday ulit gas! Natawa ako kay midnyt drayber.. onga naman.. hahahaha narinig ko na lahat ng kaligayahan ng birthday mo from jep.. wit wit!!! Happy for you!

    ReplyDelete
  6. yan ba ang pulubi? ang dami daming picture greeting!

    ReplyDelete
  7. belated happy bday gasul..sensya na hindi na ako nakapagpadala,,,busy at sira ang cam..ahehhee..nevertheless, i wished parin na u will get what ur heart desires...

    ReplyDelete
  8. galing galing! natuwa naman ako. first time ko ginawa yan ever. sana mapili ako hahaha ... feelingerang frog lang lol

    ReplyDelete
  9. wala sa itsura mong 30 ka na!!!
    galeng!!! :D sana ako rin haha!

    happy bday again gasdude!!! :D

    ReplyDelete
  10. ayun buti nakahabol pa pic greeting ko. hehe. oo nga dapat may celebration ka rin dito sa pinas. hehe :D

    ReplyDelete
  11. Ngayon ko lang nakita to. Scheduled post ba to? Haha. Alphabetical pala, ang tagal ko hinihintay nung akin. Haha. Huling huli. Ang cute nung kanta. Happy 30th Birthday Manong Alex. Hahaha.

    ReplyDelete
  12. wow, ang saya saya, at blessed ka,regalo un sayo ni Lord ! sobrang late na, kaya counted na to for next year, happy birthday GASUL! ^^

    ReplyDelete