Tuesday, April 26, 2011

Banoffee Pie


Question:
Anong pinagkaiba ng Starbucks sa Pilipinas at Starbucks sa Singapore ?

Answer:
Walang BANOFFEE PIE dito. :(

Sa tuwing umuuwi ako sa Pilipinas, hindi ko kinakaligtaang dumaan ng Starbucks para umorder ng kape at siyempre, BANOFFEE PIE. Sobra ko kasing paborito ang pastry na ito na gawa sa saging, gatas, toffee, at kung anu-ano pa. Nakakalungkot isipin na walang BANOFFEE PIE sa Singapore at kailangan ko pang mangibang-bansa para lang matikman at namnamin kung gaano kasarap nito.

Ewan ko ba kung bakit ako na-addict sa BANOFFEE PIE. It all started when I was still ruling my so-called 'gasoline kingdom'. Merong Starbucks sa loob mismo ng gasolinahan, kaya naman pagmulat na pagmulat pa lang ng aking mga mata sa umaga, Starbucks kaagad ang nakikita. (Siyempre kasama na din 'yung mga sasakyang nagpapa-gasolina.) Papasok ako minsan ng Starbucks na naka-sando, boxer shorts, at tsinelas (at hindi pa nagtu-tutbras) tapos oorder ng cafe mocha at siyempre, BANOFFEE PIE.

Lagi kong nami-miss ang BANOFFEE PIE, at ang mga alaalang dala nito sa tuwing naiisip ko. Dati lamang ay abot-kamay ko siya.

Pero ngayon…

Pagkalayo-layo na.

Ganun talaga ata ang buhay. You cannot always have it all. But the memories will forever be cherished. And BANOFFEE PIE will always be on top of my list.

Ang hiling ko lang ay sana tulad ko, meron ding ibang tao ang nakaka-appreciate sa BANOFFEE PIE.

30 comments:

  1. this post is just an icing on the cake. hehehehe!

    ReplyDelete
  2. may nakapagsabi sa akin na sa bannaple daw merong masarap na banofee pie. Specialty ba sa pinas ang banoffee pie at dito meron at dyan sa sg wala?

    kulit lang na mag-iistarbacks ka ng bagong gising based sa naishare mo :D

    ReplyDelete
  3. sige ioorder kita ng banoffee pie dito at ihahagis ko diyan sa singapore. hehehehe. :)

    ReplyDelete
  4. magkukwento na yan sa July habang kumakain ng diced siomai sa santorini!

    ReplyDelete
  5. Kain ako mamaya nyan. Iisipin kita kuya. LOL

    ReplyDelete
  6. pinas pa lang pala mahilig ka na mag burlesk?

    ReplyDelete
  7. Yummy nga ang Banoffee Pie. Natikman ko lang yan dati dahil sa isang paglilibre. Haha.

    Natuwa ako sa life lesson na nakuha mo dahil sa pie. Hahaha.

    ReplyDelete
  8. hehe nasesenti ka pala kapag naaalala mo ang banoffee pie. Sa future order ko ng banoffee pie, you'll be in my thoughts.

    ReplyDelete
  9. at dahil diyan.. mapapa banofee pie ako mamaya hahaha...
    dont worry.. magkakaroon din yan diyan hehehe :D

    ReplyDelete
  10. Yeah, you should try the Bannapple bonofee pie. The best here in Pinas. Mas gusto ko yun kesa sa version ng Starbucks.. just saying. :)

    ReplyDelete
  11. almost everyone says Banapple has the best Banofee pie - I disagree! Starbucks pa din ang winner sa B.P.!

    apir!

    ReplyDelete
  12. char! hindi ko alam yan.. pero.. di ko alam yan.. pero pagnaligaw ako sa starbucks.. chige buy ako one... mukhang matsalap eh.. at ang post talaga na ito ay handog sa banoffee pie....

    ReplyDelete
  13. i can't relate to this post since i have no idea what a banofee pie taste like. i guess it's one of those things that i should try the next time i go back in pinas. calories count anyone???

    ReplyDelete
  14. ayos! haha ganun pala jan sa SG. sayang at kung ano pa ang paborito mo yun pa ang nawala sa listahan! tsk. naalala ko tuloy ang Papa John's. haha

    ReplyDelete
  15. I love me some banoffee pie. I can't be friends with someone who hates it.

    ReplyDelete
  16. http://www.foodbuzz.com/blogs/sg/singapore/504891-the-ultimate-banoffee-pie


    bilisssssss!!!! bili na agad ng ingredients. penge na lang pagkatapos hehehe

    u can't have your banofee pie and eat it too!!!! bleh!

    ReplyDelete
  17. siguro walang masarap na saging dyan.. hehehe..

    ReplyDelete
  18. ikaw na! ikaw na ang advertising model ng STARBUCKS BANOFFEE PIE! ;)

    ReplyDelete
  19. aww..di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko di codename lang ang banofee pie hehehe ewan ko ang weird ko lang siguro hihihihi

    ReplyDelete
  20. di ko pa na-try mag banoffee pie both from Starbucks at Bannapple. matry nga pag-uwi. :) i'll keep u in mind din.

    regarding dun analogy mo sa ending... aren't we all a transitory? lumilipas at dumadaan... kaya nga may memories and lessons for us to keep. :)

    try mo minsan yung warm chocolate brownies w/vanilla ice cream sa coffee nations! maiba lang...

    ReplyDelete
  21. Hindi pa ako nakakatikim nyan pero sige titikman ko para makarelate ako sa damdamin ng post mo. But siguro kung mawawala ang Avocado Shake ng Seattle's Best, I'd feel the same way. hehe :D

    ReplyDelete
  22. american pie ang naaalala ko sa post mo na to. napaisip tuloy ako kung may iba ka pang ginagawa sa bannofee pie mo. hahaha! musta dude?

    ReplyDelete
  23. Di ako fan ng Banofee Pie pero sige matry nga yan minsan.

    ReplyDelete
  24. Sarap nga naman talaga nyan!

    ReplyDelete
  25. kakakain ko lang din ng banoffee pie... hindi nga lang sa Istarbaks kundi sa.... BANAPPLE!

    ReplyDelete
  26. I love Banoffee Pie! I used to make it a lot, especially when we have guest around. Uhmm, I should do one again soon.....

    So ano ang ino-order mo na kasabay ng coffee mo pag andyan ka sa Singapore?

    ReplyDelete
  27. If don't know anything of what a real Banoffee pie is, you will love Starbucks. It's good but I wouldn't really call it Banoffee pie. What Starbucks is really selling is just a Banana pie.
    To prove it, deconstruct it, taste the layer, next to the graham, does it taste anything like dulce de leche/toffee or caramel??? it was just place to disguise itself but really it's fake, it has zero dulce de leche taste. Even the chocolate layer next ti it has zero chocolate taste.

    ReplyDelete
  28. If don't know anything of what a real Banoffee pie is, you will love Starbucks. It's good but I wouldn't really call it Banoffee pie. What Starbucks is really selling is just a Banana pie.
    To prove it, deconstruct it, taste the layer, next to the graham, does it taste anything like dulce de leche/toffee or caramel??? it was just place to disguise itself but really it's fake, it has zero dulce de leche taste. Even the chocolate layer next ti it has zero chocolate taste.

    ReplyDelete
  29. If don't know anything of what a real Banoffee pie is, you will love Starbucks. It's good but I wouldn't really call it Banoffee pie. What Starbucks is really selling is just a Banana pie.
    To prove it, deconstruct it, taste the layer, next to the graham, does it taste anything like dulce de leche/toffee or caramel??? it was just place to disguise itself but really it's fake, it has zero dulce de leche taste. Even the chocolate layer next to it has zero chocolate taste.

    ReplyDelete