Thursday, April 21, 2011

Soul Search


I don’t usually like the Lenten Season.

Naaalala ko nung nasa Pilipinas pa ko, wala akong masyadong ginagawa kapag Semana Santa. Lagi akong nasa bahay at nanonood lang ng Oprah, Early Edition at Seventh Heaven marathons. Only child kasi ako kaya wala din akong makausap sa bahay. (Ako na ang loner!) Lagi din namang wala ang Nanay ko dahil aktibo sa simbahan ‘yun. Palagi silang may Bisita Iglesia at kung anu-ano pang aktibidades. Hindi din naman ako sumasama kapag may nag-aaya ng Boracay o kung saan man dahil lagi akong walang pera.

Noon namang nagtrabaho ako sa gasolinahan, lagi akong may pasok kapag Holy Week. Peak season kasi ‘yun. Madaming bumabiyahe. Madaming umuuwi ng probinsiya. Madaming nagpapakarga ng gasolina ("Full tank po Sir/Ma’am?") kaya hindi ako pwedeng mawala. Kailangan din naming mag-assist sa mga nasisiraan ng kotse sa SLEX. Ironic kasi madami ang incidents ng car theft at ‘basag kotse’ kapag Holy Week. Kailangan nandun kami lagi para magbantay ng mga gasolinahan at makipag-coordinate sa pulisya kung meron mang mga ganoong insidente. Sobrang nakakapagod.

Ngayon, Semana Santa na naman. Wala na ako sa Pilipinas. Wala ng Seventh Heaven marathons. Wala ng pagbabantay sa mga gasolinahan sa Laguna. Madami na ang nagbago, pero madami pa din naman ang tulad ng dati.

Wala pa akong pinaplano ngayong long weekend. Gusto ko sanang pumunta sa isang lugar kung saan tahimik at konti ang tao para makainom ng beer makapag-soul search. Gusto kong i-maximize ang pagkakataong ito. Madaming bagay ang gusto ko sanang pag-isipan at pagnilay-nilayan ngayon…

Tulad ng kagustuhan kong iwan na ang Singapore at bumalik na sa Pilipinas…

Tulad ng pag-iwan ng tuluyan sa Katolisismo at pagpapalit ng relihiyon…

Tulad ng kung paano ko pa mapapagbuti ang aking trabaho dito sa Singapore (habang nandito pa ako)…

Tulad ng kung ano ang gagawin ko sa buhay ko ngayong trenta anyos na ako…

At kung anu-ano pa.

Madaming desisyon ang kailangang gawin. Kailangan kong kausapin ng masinsinan ang Diyos para humingi ng gabay.

20 comments:

  1. Naluluha ako habang binabasa 'tong post mo. Siguro dahil i'm feeling the same thing. Gusto ko rin mapag-isa at makausap din si Lord at the same time dahil ngayon ko Siya kelangan.

    Ganito na talaga yata pag tumatanda, maraming bagay tayong dapat isaalang-alang na gumugulo sa ating isipan. *sigh*

    God bless you Gasdude.

    ReplyDelete
  2. Do what you have to do. Meditate and ask for the Lord's guidance. He will direct you according to His will.

    ReplyDelete
  3. lent is the perfect time to repent and reflect... di naman dini-define ng religion ang faith, so go where u feel u are in better service of God... in which you feel u are most connected with Him. God Bless! :)

    ReplyDelete
  4. may the universe help you in finding the answers to ur questions.....sabi nga nila, we really don't have to find answers....they are all there all along...it will just come out in due time, in it's own proper time and place..:)

    ReplyDelete
  5. Eh pangSoul Searching na nga yan. Kailangan niyan ng masinsinang pagiisip. God bless sayo GasDude. Decide wisely. :) Pangeleksyon lang ata?

    ReplyDelete
  6. like you, i realized that as as i grow older, i tend to question things before taking any action. i guess it's a sign of maturity and intelligence. the question now for you is, would you do it, take the risk and accept the consequence of your decision???

    ReplyDelete
  7. madami din akong na mi-miss especially this is my first holy week na wala na ang lola ko,,, huhuhu...

    slex? laguna? hmmm... im also from laguna! =)

    have a blessed day!

    ReplyDelete
  8. dumarating ang moments na yan sa buhay ng tao. Gawin mo lang una ang itama ang iyong puso kasama ang diyos. sigurado ang lahat ay magiging tama.Walang kinalaman ang ginagawa ng iba or gustong ipagawa ng tao sayo.Ang nasa puso mo lamang ang mahalaga at ang diyos.wala ng iba.Kung saan mo man gustong ibahagi ang iyong buhay o maging parte nito.temporary lamang ang mga yan. Yong puso mo ang tanging mahalaga.
    God bless

    ReplyDelete
  9. "it's funny how everyday NOTHING CHANGES but when you look back EVERYTHING is DIFFERENT."

    let's talk when you get home ;)

    ReplyDelete
  10. hello dude :)

    what's great about long holidays is that in case where you do not have any travels, you can check back on some of the blogs you have missed because of work and all. have a pleasant break my friend.

    ReplyDelete
  11. katulad ng sinasabi ng marami lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan minsan lang nga hindi natin maintindihan kung bakit may mga bagay na hindi nating inaasahan na mangyayari. Siguro it's how God test our faith in Him.
    Basta kung ano man ang maging desisyon mo sa buhay always ask guidance from Him.
    God always listen. :)

    ReplyDelete
  12. natuwa ako sa post mung itech..naalala ko ang 7th Heaven na yan, ambata pa ni Jessica Biel noon. haha Ako din sina mama laging wala sa bahay kase aktibo sa church. Ganun cguro tlga ang mga taong simbahan.
    Anyway, ngaun ko lng na get kung baket gasoline dude ang code name mu. hehe Asa SG ka nga pala, nagpunta ako jan a few days ago, nahirapan ako pumasok, ang higpit ng immigration kala cguro mag-aaply ako ng work, buti wala akong dalang resume kase hinalughog ang bag ko. Nadisappoint tuloy ako sa SG. hehe

    Punta ka ng Malaysia, sa Cameron Highlands, masarap magnilay nilay dun. :D Have a meaningful Lent! =)

    ReplyDelete
  13. natuwa ako sa post mung itech..naalala ko ang 7th Heaven na yan, ambata pa ni Jessica Biel noon. haha Ako din sina mama laging wala sa bahay kase aktibo sa church. Ganun cguro tlga ang mga taong simbahan.
    Anyway, ngaun ko lng na get kung baket gasoline dude ang code name mu. hehe Asa SG ka nga pala, nagpunta ako jan a few days ago, nahirapan ako pumasok, ang higpit ng immigration kala cguro mag-aaply ako ng work, buti wala akong dalang resume kase hinalughog ang bag ko. Nadisappoint tuloy ako sa SG. hehe

    Punta ka ng Malaysia, sa Cameron Highlands, masarap magnilay nilay dun. :D Have a meaningful Lent! =)

    ReplyDelete
  14. wow nakakatatss ang sulat mong ito, totoo pala talagang nag gasoline dude ka. :)

    ReplyDelete
  15. Every year, I always spend my holy week at home. Reading and watching tv series(especially seventh heaven @ studio 23 pa nga hahha). But this lent season I use my time to reflect about how I touched everybody's life. And I realize that I've been selfish this past few days. Now I decided to change, share my happiness with others...and blog again like what other bloggers like you did!:D

    ReplyDelete
  16. Yeah Get in a private place, kahit sa bathroom. Seriously, simply start talking about anything that's on your heart. He is been waiting to hear from you for a long time. Praying is nothing more than having a conversation. I feel the same thing, BTW.

    ReplyDelete
  17. pssstttt!! gasulin boy ka pala dati.. nice... mag-aappply sana ako dito kaso wala palang mga gasulin boy o sa case ko girl...

    enihaw... grabe nung bata ako mas manang pa ako sa nanay ko.. sumasali ako sa pabasa.. katawa lang... tapos nung di na ako sumasali.. ang sama ko nanunuod ako ng the 70s show.. kung familiar ka dun.. hahah iisipin mo na ang sama ko talaga... hahaha

    lungkot nga now dahil gustong gusto ko mag holy week pinas.. :( gusto ko magbisita iglesia..

    toink.. at gusto ko na din magapalit ng religion sana.. pero kada naiisip ko na hindi naman religion ang magsasave sa tin.. eh wala din kwenta... faith naman magsasave sa tin eh.

    ReplyDelete
  18. I hope you had your quiet moment last week. Hanap ko rin yan paminsan minsan.

    ReplyDelete
  19. mukang madami ka sir na pagdedesisyunan at you needed time to reflect andask for guidance.

    hope you find what your looking for. tc

    ReplyDelete
  20. iba talaga kapag tumatanda na. napapaisip ng malalim. hehe. joke lang kuya. :)kailangan mo nga ng pagmumuni-muni kapag ganyan. bakit mo gustong mag-iba ng religion? kyuryus lang. :)

    ReplyDelete