Wednesday, May 18, 2011

The Skipreader


(BABALA: This is a boring post. Walang sisihan kung antukin kayo habang nagbabasa, or mag-'skipread'.)

Hindi masama ang maging isang 'skipreader'.

Ano ba ang ibig sabihin ng 'skipreading'? It is actually a compound word, a combination of two words 'skip' and 'reading'. Base sa aking pagsasaliksik, 'skip' means 'to pass over or omit, either deliberately or inadvertently'. On the other hand, 'reading' is 'a complex cognitive process of decoding symbols for the intention of constructing or deriving meaning'.

Nosebleed? Medyo malalim, pero sa aking pagkakaintindi base sa mga nasabing kahulugan, ito ang aking mga natutunan.

1. Reading is not as simple as you think. First, it's a process, or 'series of actions, changes, or functions bringing about a result'. Malalim pa din? Para mas maintindihan mo, magbibigay ako ng example. Bago ka makapagluto ng isang putahe tulad ng menudo, merong step-by-step process na kailangan mong sundin. Kapag bumili ka ng baboy sa palengke, hindi naman automatic na nagiging menudo 'yun, 'di ba? Kailangan mo pang kumpletuhin ang ibang sangkap. Kailangan mong hiwain ang baboy at mga gulay sa maliliit na piraso. Kailangan mong mag-saute ng bawang at sibuyas. Kailangan mong magpakulo. At kung anu-ano pa.

Tulad ng pagluluto ng menudo, reading also involves a complex process. It starts from sensation (deciphering letters or symbols by sense of sight) to cognition (mental process of knowing and understanding).

Gets?

2. Skipping, or skipreading for that matter, may either be deliberately or inadvertently. Sa Tagalog, pwedeng sinasadya o 'di sinasadya.

You may be wondering what my purpose for writing this post is. Marami kasing bloggers ang sobrang affected kapag nag-'skipread' ang kanilang mga 'mambabasa'. Sobrang big deal sa kanila ito at minsan pa ay nagiging subject of gossip and harsh criticism.

Uulitin ko, hindi masama ang mag-'skipread'. Ito ang aking opinyon.

Pero bakit nga ba merong nagsi-'skipread'? Let me count those reasons I could think of:

1. Sobrang haba ng post.
2. Sobrang 'high-falutin' ng choice of words.
3. Hindi type ng reader ang subject ng blogger.
4. Nakakaantok ang kulay o design ng mismong blog.
5. Puno ng negativity ang post (rants, complaints, arrogance, etc.)
6. Blogger's 'extraordinary' writing style makes the content of the post not easy to understand.
7. Limited ang attention span ng reader from the start.
8. Limited ang oras ng reader para magbasa. Maaring busy sa trabaho o kaya naman ay merong ibang ginagawa.
9. Pagod o wala sa mood ang reader, but he/she still made the effort to browse your blog or blogpost.
10. Reader has a different interpretation on the post as compared to the real meaning, intention and/or purpose of the blogger.

I will end this post by saying that I myself am a so-called 'skipreader'. And I have skipread, not just limited to bloggers' posts but also newspaper articles, office reports, e-mails, books like the Bible, etc., dahil na din sa mga reasons na nabanggit ko sa taas. Hindi madali ang magbasa ng blog o kaya'y mag-bloghop. As mentioned, it's a complex process. At minsan hindi ko naman talaga sinasadya.

Kaya pasensiya na. Sorry na. Tao lang.


44 comments:

  1. Ako hindi nag skip read. Tungkol nga saan ulit yung post mo pre? Hehehe. Loko lang. Minsan nagagawa ko rin to. Then Im guilty.

    ReplyDelete
  2. I don't usually skip when reading especially sa fave blogs ko even if they are very long..minsan kasi we tend to skip those very impt. Parts na bumubuo sa isang story..so I rather read the whole story than missing some impt. Parts.

    one way to keep the readers glued to the post is putting some pictures to the story or use colorful adjectives to make use of their imagination.parang hypnotizing lang. Weh??hahaha

    never pa akong nagskipread sa blog mo.but I think it is much better not to post a comment if nagskipread ka. Minsan kasi halata na na hindi ka nagbabasa kasi far off ang comment.wtf lang. It's a slap in the authors face lang.heheheh..

    blogpost na rin?hahaha..

    ReplyDelete
  3. @ Desperate Houseboy: OK lang 'yan. We're all guilty naman.

    ReplyDelete
  4. @ Maldito: Pero Parekoy, masisisi mo ba ang isang reader kung iba ang interpretation niya as compared to the intended meaning of the blogger, hence the 'far off' comment? Alam mo bang minsan na din akong napagbintangan ng ibang blogger na nag-skipread sa blogpost niya? Pero ang totoo, binasa ko talaga post niya to its entirety. Pero anong magagawa niya kung iba ang comprehension at understanding ng utak ko as opposed sa ineexpect niya? Kakulangan ko na ba 'yun bilang isang mambabasa? Me right na ba siya para manghusga at mambintang ng ganun agad? Our mind is quite complex. You should know that kasi Psychology major ka din. ;)

    ReplyDelete
  5. sino ba ang hindi nagskipread?

    tama lahat ng dahilan na sinulat mo. agreeng agree ako. di ko alam kung bakit may mga taong apektado. ganyan din ako.

    pero naisip ko siguro kasi minsan sobrang binigay ko yung puso ko sa sinulat ko kaya naiinis ako kung hindi binabasa ng buo yung post ko.

    dunno.

    ReplyDelete
  6. @ Gillboard: Pero ang tanong ko Bro, paano natin malalaman kung nag skipread nga ang isang reader sa post natin? Paano tayo nakakasiguro? Base lang ba 'yun sa comment na ipinopost niya? Eh paano nga kung iba 'yung understanding niya sa post mo, either too literal or figurative? Pwede din namang iba ang tumatakbo sa utak niya habang binabasa niya post mo hence the 'out of this world' comment? Masisisi mo ba siya dun? Hindi ba dapat as bloggers we also give our readers the benefit of the doubt kasi madami din namang factors to consider when it comes to reading comprehension. Wala lang...

    ReplyDelete
  7. tama yung nailista mong dahilan.

    Usally din, may readers na parang nagbabasa looking for keywords on every sentences/ paragraphs kaya mas tumatatak ang iilang part sa utak kaya kung magcomment, parang nagskip read.

    labo ata ng comment ko. lols. Basta, madaming factors sa skip reading.

    guilty ako sa skipreading pero minsan iiskip tapos babalik sa naiskipan kung di ko magets yung ibang factors. lol

    ReplyDelete
  8. funny yung part about how the writer's "extraordinary" style can leave the reader "skippy". sarcastic, pero effectively funny.

    fun post ito.haha

    ReplyDelete
  9. lahat naman ng tao nagsskip read eh. kaplastikan na lang ng sobra kung merong isnag blogger na magsasabi na NEVER as in NEVER pa sya nakapagskip read. we all have our reasons kung bakit, tulad na nga ng mga nabanggit mo sa taas, pero it doesnt mean na kapag nagskip read tayo eh disrespect na yun... yun nga mga kanya-kanya tayong reasons for it. sadyang meron lang talagang ginagawang malaking issue un. hihihihi

    sa comments kasi. hahahaha kung nagskip read ka better na wag ka na magcomment mamaya nyan anlayo pa sa tumbukan ung comment mo..

    ReplyDelete
  10. Alex, ang ganda ng sulat mo dito sa entry na to. panalo! masaya nga ang nangyaring bloggers EB nung lunes at masasarap ang mga pagkain. tama ka, ang daming nalate sa usapan. pero ayus pa din.

    LOL! joke lang.

    ikaw na ang malufet sa analysis. kala ang sasabihin mong halimbawa sa skip read e katulad din ng pagluluto ng adobo, sa cookbook nakita mong lalagyan ng patatas, pero since marunong ka na mag adobo at alam mong walang gaanong epekto na tanggalin to, kaya sa mga sumunod na luto mo aya di mo na to sinama sa sangkap. lol. kaw na talaga!

    katulad din ng sinabi ko sa isang post ng blogger, bakit pa ko magpopost ng comment kung magskip read din ako? para san pa.

    wala lang. i-two bottles na yan. hahaha.

    ReplyDelete
  11. kahit naman ako guilty rin sa pagsskip read at sabi mo nga hindi lang naman sa blogpost natin ito ginagawa. Minsan kasi kulang na sa oras kaya yung mahahalagang detalye na lang ang binabasa natin o yung mga pictures na lang ang tinitignan.

    I don't think kelangan nating maging apektado sa sinasabi nating skipreaders in the first place ano bang main purpose natin para magblog? Self- expression lang naman di ba at hindi yung mga nagkokomento dito.

    Dapat pa nga maging thankful tayo sa mga dumadaan sa mga kuta natin, kasi in their own busy lives nabibigyan pa rin nila ng oras na basahin ang mga sinusulat natin, buo man o pahapyaw lang. :)

    ReplyDelete
  12. ang trick ko minsan, sa dulo ng post ko nag-iiwan ako ng tanong o ng linya na walang kinalaman sa post ko. skip readers often just comment on your opening or closing statements.

    ReplyDelete
  13. Interesting.

    I think there are certain people whose stories we read completely; our favorite writers kumbaga.

    For the others, sometimes it depends on whether we are in the mood or if the topic interests us.

    You forgot to include incorrect use of grammar and spelling errors. God, those can be such a headache.

    I think we would like our readers to read our stories in its entirety; but they aren't obliged to.

    Besides, as you pointed out, some if not most may have limited attention spans. Most readers prefer short entries.

    But there are really those writers who can draw you in and make you linger and even make you re read the stories. Ang galing.

    Cheers =)
    Kane

    ReplyDelete
  14. naks naman ang mga points pero tama ka dyan. i skip reading especially kung puro ka-emohan ang post. haha!

    ReplyDelete
  15. hahaha sir gas dude, agree ako sayo na walang masama sa pag skip read. hehehe. gumagawa na nga rin ako ng post about dun kaya lang medyo tinatamad p ko ngayon. hehe.

    kiki

    ReplyDelete
  16. I agree with you. I usually skipread if I'm not familiar with the subject matter the blogger is talking about, or if it is simply an emo post. It's okay to skipread once in a while.

    ReplyDelete
  17. guilty ako ng skip reading sa mga mangilan-ngilang posts at ang (mga) dahilan ko ay nakasulat sa post mo.
    ; pero may ilang blogs ako na hanggang sa huling tuldok ay nabasa ko in its entirety...

    ReplyDelete
  18. nice post, nayayaahhaha Udi ako nag skip read ah)

    tama, pag masyado tlagang maahaba tas di naman ako interesaaado sa topic eh di ko binabasa.

    lahat naman siguro tayo, kahit mnsan eh nag skip read. mamatay na ang hindi

    ReplyDelete
  19. ahahaha... nag-skip ready akoh.... why kayah?.. i dunno... lolz.. laterz... Godbless!

    -dhee of Simplymeeh =)

    ReplyDelete
  20. guilty!
    specially pag text heavy + long and paligoy ligoy post, sorry pero mababa tolerance ko sa gnyan.. hehe 1st 2 paragraphs lang pagttyagaan ko..

    ReplyDelete
  21. Eh bakit nga ba usong uso ang topic na to? Parang gusto ko na tuloy tamaan. Haha. Ako naa!

    Sa akin kasi ayokong isipin na may nagskip read sa post para wala na lang problema. Eh kung meron man, hayamuna sila. Haha. Salamat sa pagdaan na lang.

    Para maganda na nga lang, wag na magcocomment kung di ka nagbabasa. Pero ako pala nagcocomment kahit di ko nabasa ng buo yung isang blog na yun. Haha. Iniiscan ko naman kasi kahit papano.

    ReplyDelete
  22. tama.. i guilty rin ako dito minsan lalo na magmalalalim yung words na ginagamit nila or either di ko alam...

    ReplyDelete
  23. Maliwanag. Klarong klaro ang nakasulat sa post na 'to tungkol sa skipreading the shit.

    Sa tingin ko, naiinis yung mga blogger na nag-i-skip-read yung readers nila kapag sabaw yung comment sa post. Yung tipong pinipilit irelate kahit halatang nagskipread. tipong ganun..

    Hindi ako skip reader. Kapag kasi hindi ko gusto ang post, hindi ko na binabasa..at hindi na ako nagcocomment.. Nagcocomment lang ako dun sa maiikli at mabilis kong nabasa. hehe.

    ReplyDelete
  24. Hi, I'm an avid blog reader, and only a reader. I don't have a blog of my own, and basically, I just enjoy reading blog posts of other people. You made a very interesting point saying that skip reading is not wrong, and one that I agree with, not because I am an occasional skip reader myself, but because your point was fairly explained.
    I have a question for you, and maybe some other bloggers out there may also answer if they would like to.
    Here it is: For a blogger such as you, is there a way of knowing when a reader actually skip read or not? What are the bases?
    I'm just curious. Thanks. And obviously, I didn't skip read this time. :)

    ReplyDelete
  25. di ko skinipread toh :P hahaha pero ako naman kasi scanning and skimming pag mahaba tlaga post... anyway, if may sense naman talaga ung post, binabasa ko umpisa hanggang dulo :) pero pag masakit sa ulo, scan and skim nalang pero i still try to pick up the essence...

    un nga lang, nakakatawa ung mga skipreaders na talagang obvious sa comment nila na nagskipread talaga--akalain mong out of ths world ang comment haha! either that or wrong tab wahahha! pero onga, walang dapat isyu. nasa writer din kasi ang kapangyarihang mangapture ng mambabasa. ahaha! pag sa time issue, hindi mo na hawak time ng reader mo lalo na't ANDAMIIIING kelangang gawin. the end ! :)


    hanep... menudo pa talaga.

    ReplyDelete
  26. it is very common to skip read...i for one is a culprit. you already mentioned most of the reason why people skip read a blog...for me, if it's just all text and no pix to break the monotony of the post, i don't even bother. it should short and straight to the point.

    ReplyDelete
  27. nice post kuya. i love it. ayos na ayos ang comparison ng skip reading at pagluluto ng menudo. hehehe. :)lahat naman ng tao ay ginagawa ang skipreading. kahit sa exam ginagawa ko ang skipreading lalo na sa math. kaya bokya lagi. hehehehe. :) pero sa post na ito, sure ako na di ako nagskipread! interesting ang pagkakasulat. :) pwede ka na maging professor!:P

    ReplyDelete
  28. 4 years na kong blogger. and Im guilty in skipreading. di naman talaga maiiwasan yun. But Im intersted don sa mga points mo about reasons behind skipreading. I just put up my 2nd blog...and i noticed na flop ang mga post ko compare don sa mga post ko sa 1st blog ko. What im trying to say na-realize ko kung nao mali sa 2nd blog ko dahil sa post na to!

    anyway Im en...and happy blogging ;D

    ReplyDelete
  29. i'm guilty about skipreading, di lang sa book or blog, kahit sa movies,nagfa-fast forward ako,excited sa ending? pag di ko na-gets tsaka ko hihimayin, kaya nga may backreading or rewind, pwede naman kasi di lang ako naka-relate, or di lang abot ng interes or comprehension ko (or sadyang di lang talaga bet?)

    basta walang deliberate offensive comment,i think wala naman dapat maging isyu. feeling ko lang, these kind of conflicts are dominant sa circle ng mga "hardcore" blogista, when someone beccomes a regular reader/komentarista, tapos biglang nag-iba ng trend. :) feeling ko lang... kaya nga di ako pang hardcore eh. :))

    ReplyDelete
  30. hahahaha.. No skipping, eh naka 25 comments ka nga eh..

    ReplyDelete
  31. relate ako dun sa item 5 and 7. hahaha. hindi sa ayaw ko ng nega. in fact, mas nega, mas interesting sa kin. nega din ako eh. hahaha. well,minsan. tapos minsan inaatake din ako ng pagka-adhd. patay na. (--,)

    bottomline: wag ng mag-comment kung di naman naintindihan. magmumukha ka lang ewan. ;)

    ReplyDelete
  32. bakit pag ang title about sa skip read eh hindi ako nagsiskipread? hehehe

    guilty ako! sorry naman homo sapien lang..dumugo ang ilong, tenga at iba pang internal organs ko sa first part na explanation pero na gets ko kahit hemorrhagic na ako...nice post! may like button ba? :)

    ReplyDelete
  33. natawa ko sa mga disclaimer gasul! ngayon ko lang nadinig ang skipread. di ko ng alam kung accepted ba siya sa dictionary, hehehe! pero sa tingin ko oks lang yun. kaya ako katiting lang magpost eh, nyahaha!

    ReplyDelete
  34. tama! dahil isa rin ako sa nag 'skipread' ng mga blogs lalo na pag english, duguin kasi ilong ko eh pasensya na. apir!

    ReplyDelete
  35. This blog post is definitely a rave. Great! Sorry, but I don't do that. Especially when it comes to blog and books. I always see to it that I get what the blog or book has to tell. Everyone of us has that something to tell. The interesting thing is that we have so many different ways to say what we have in mind. And that amuses me every time I read blogs in particular.

    However, skimming is another thing.

    It reminds me of speed reading, a reading technique that is very important these days. I love the way you reasoned out why skipreading is done. I don't do that, though. I

    ReplyDelete
  36. nagskip read ako, pero naintindihan ko ang blog post na to at nakakarelate ako sa lahat ng reasons of skipreading na naisulat mo....skipreader na me...nyaha... hindi masama ang mag skip read at sana hindi ako machismis na nagskip read ako ng 1-2 lines in every item here...pero hindi ako palaging ganun ah..kaya slight lang ang pagka skipreader ko hehe

    ReplyDelete
  37. ahahaha ito ang isang issue sa blogging world.Marami ngang dahilan ito na alam ng lahat kung bakit. ang sa aking desisyon lang yan ng isang tao kung gusto niyang basahin ang post or hindi.Wag namang habaan kasi nakakatamad itong basahin.masakit sa mata at sa ulo.

    ReplyDelete
  38. bihira ngunit may pagkakataon. as a blogger, tingin ko, rsponsibilidad din talaga ang pagbabasa ng blogs ng iba. kung first time ko lalong napuntahan. nag ba back read ako. a post or two depende kung gaano kaganda yung way ng pagsusulat at mismong topic.

    by the way, natuwa ako dun sa post about the 'free hugs campaign'. siguradong masayang experience yun para sa inyo at ng mga taong nakatanggap ng mga libreng yakap,hehe!

    sir, add kita sa blogroll ko ha?

    ReplyDelete
  39. Hi!

    Gawain ko din to sa mga books. Pero pag sa blogs, di ako nagsskipread. Pag di ko type ang topic, di ko na talaga ire-read. Hehe.

    ReplyDelete
  40. I totaly agree with you. Walang masama sa skip-reading. May mga nagsasabi na "Sana hindi ka na lang ngcomment kung hindi ka nagbasa." Pero same people say na "Nagcomment ako sa blog mo, bakit hindi ka nagcomment sa akin?" And the worst part, it's the same people na nag-skip read rin sa iyo at nag-iwan ng comment na "Nice post."

    Sa paborito kong blogs hindi ako nag-iiskip read, pati sa mga bloggers na kilala ko in person. Sa mga walang kwentang blogs na dapat kong daanan out of courtesy, pinapa-obvious ko na nag-skip read ako. To challenge them na ayusin naman yung post nila. Kasi may mga post talaga na walang sense at walang direksyon. Example yung isang nabasa kong post dati, nanonood daw sya ng Wowowee, tapos malamok daw sa kwarto nya, kaya lumipat sya sa sala. Yun na yung post nya. WTF. And she expected na may makukuha syang matinong comment. LOL.

    Walang effort begets walang effort.

    So salamat sa post mo nailabas ko ang saloobin ko LOLOLOL

    ReplyDelete
  41. I totaly agree with you. Walang masama sa skip-reading. May mga nagsasabi na "Sana hindi ka na lang ngcomment kung hindi ka nagbasa." Pero same people say na "Nagcomment ako sa blog mo, bakit hindi ka nagcomment sa akin?" And the worst part, it's the same people na nag-skip read rin sa iyo at nag-iwan ng comment na "Nice post."

    Sa paborito kong blogs hindi ako nag-iiskip read, pati sa mga bloggers na kilala ko in person. Sa mga walang kwentang blogs na dapat kong daanan out of courtesy, pinapa-obvious ko na nag-skip read ako. To challenge them na ayusin naman yung post nila. Kasi may mga post talaga na walang sense at walang direksyon. Example yung isang nabasa kong post dati, nanonood daw sya ng Wowowee, tapos malamok daw sa kwarto nya, kaya lumipat sya sa sala. Yun na yung post nya. WTF. And she expected na may makukuha syang matinong comment. LOL.

    Walang effort begets walang effort.

    So salamat sa post mo nailabas ko ang saloobin ko LOLOLOL

    ReplyDelete
  42. hello, gasoline dude!

    hindi ako gaanong ma-skip read kasi ang mga pinupuntahan ko madalas ay 'yong blogs na more or less ay gusto ko talaga. :)

    pag di ko naibigan ang post, skip comment ako, haha!

    nakiki-comment lang po rito. relevant topic, btw... :)

    ReplyDelete
  43. Hindi ako nag skipread dito. LOL.

    Tama. lahat tayo, skipreaders. Kahit nga sa newspapers, kapag hindi feel ang headline, hindi na binabasa. Kapag hindi interesante ang nasa sports page, lilipat ng entertainment. LOL.

    Skipreader din ako minsan..Agree ako sa mga nakalistang dahilan..

    Madalas, skipread ako kapag very negative na ang naisusulat ng author. Ayoko ring magbasa kapag sobrang haba ng post. Skipread rin ako kapag hindi ko feel ang subject/topic ng post..

    Kasi mabilis akong mabore. pero kung interesante naman yung topic, okay lang.. mahaba o hindi, carry ko. Usually, kapag nagsi-skipread ako, hindi na lang ako nag-iiwa ng comment. Mas okay yun kesa sa magkomento ka, pero ang layo naman sa topic.

    Dumaan!! :)

    ReplyDelete
  44. ako din guilty ..wahaha sa lahat ata ng babasahin nagagawa ko yan ,but not everytime. when somehting captures my interest di ako ng sskipread,minsan nga i read ten times pa ung isang paragraph pag gusto ko tlgang namnamin at intindihin ang bawat salita..hehehhe...nice one.

    ReplyDelete