Wednesday, June 22, 2011

MISS


1. Miss ko na ang mga dine-outs natin sa kung saan-saan, mapa-Lucky Plaza, Arab Street, o People’s Park man. Ikaw ang nag-introduce sa ‘kin ng Nasi Goreng Pattaya na sobrang paborito ko, naalala mo? Miss ko na ding gumala kasama ka. Hindi ka kasi mareklamo sa mga mahahabang lakaran tulad ng ibang babae. (Sa ibang bagay lang.) Ang hilig mo pang magpakuha ng litrato sa ‘kin. You regard me as the best photographer that you know, kahit na hobbyist lang ako na walang masyadong alam sa photography. Miss ko na din ang mga kulitan at tawanan natin, sa personal man o sa chat. Pasensiya na kung hindi na kita nasasamahan kahit sa pagsisimba. Kahit naman kasi ikaw eh busy din.

2. Miss ko na ang mga inuman sessions natin. Sa tropa eh ikaw ang pinaka-nakasundo ko dahil siguro halos pareho tayo ng age at maturity level. Ikaw din ang naging takbuhan ko kapag may problema ako. Naalala mo nung natanggal ako sa trabaho? Mahilig ka pang manlibre kapag nakaka-raket ka, at saka magbigay na din ng unsolicited advices. Pati lovelife at katorpehan ko eh pinakikialamanan mo. Ikaw na ang David DeAngelo ng Singapore. Ikaw na ang may magandang girlfriend na Singaporean.

3. Miss ko na ang mga wantusawang telebabad natin sa telepono. Miss ko na ang kuwentuhan, kulitan at tawanan na umuubos sa mga load natin sa telepono dati. Isa ka sa mga naging pinaka-matalik na kaibigan ko dito sa Singapore na nakagaanan ko kaagad ng loob at nasasabihan ng kahit ano. Miss ko na ding tumambay sa rooftop ng high-rise HDB niyo dati sa Toa Payoh. Masaya ako sa kinahantungan ng pagkakaibigan natin, kahit na sa simula ay nagkaroon tayo ng malisya sa isa’t-isa.



********************


Tatlo lamang ito sa mga taong nami-miss ko ngayon. Hindi ko na sila nakakasama nitong mga nakaraang buwan. Ang una’y okupado sa trabaho at mga kapamilya. Ang pangalawa’y okupado sa buhay pag-ibig. Ang panghuli ay bumalik na sa Pilipinas.

37 comments:

  1. di na ba sya babalikulit sa SG?

    aw.

    if ever man, di naman matatapos dun ang friendship nio eh.

    cheerup sir gasul.

    kumanta na lang you ulit katulad sa vid ni bulakbulero :D ahahah

    ReplyDelete
  2. 1. cher
    2. ?
    3. lyzius?

    gusto ko lang manghula.

    ReplyDelete
  3. Awww. I love this entry. Damang dama. :D

    ReplyDelete
  4. Text mo nalang ibang friends mo na available. You cant wait for them always di ba? =)

    ReplyDelete
  5. @ Khantotantra: Hindi na. Hindi na nga din masyadong nagpaparamdam. Mukhang busy.

    ReplyDelete
  6. @ Bulakbolero: Nasa Macau si Lyzius! LOL!

    ReplyDelete
  7. @ Tago Fabic: Tagos hanggang buto at balun-balunan. LOL!

    ReplyDelete
  8. interesting title. very subtle...

    ReplyDelete
  9. Don't worry kayo nlang ni Joel ang maglakad lakad at magpicturan, haha.

    ReplyDelete
  10. @ Chyng: Admittedly, busy din ako sa ibang bagay. Haist! :(

    ReplyDelete
  11. @ Mike: Nabasa ko somewhere na punta ka Singapore sa October. Magpakita ka!

    ReplyDelete
  12. wala bang clues to?aahhaa.
    sige lang GD...may mga oras talaga na kailangan ng ibang taong mag move on sa buhay...kanya kanyang life na pag nagkakaedad na tau.:(

    ReplyDelete
  13. kala ko kung sinong Miss. haha! uwi na dali madami din ang nakaka-miss sayo dito. :)

    ReplyDelete
  14. as one other blogger told me, kuya, it's the memories of those kindred souls that shall always be with us. :)

    but i'm sure a lot of us understand where you're coming from :)

    ReplyDelete
  15. Awww.. Namimiss ko din tuloy yung mga kaplastikan kong kaibigan. Tsk tsk.

    ReplyDelete
  16. may mga bagay/tao talaga that will make a mark in your life at dahil wala naman permanente sa mundo, may mga pagbabago at pagkakataong nakakamiss sila... good thing may mga memories na pwedeng balik-balikan at bagong araw na pwede mo rin naman i-welcome! i'm sure miss ka din nila! :)

    ReplyDelete
  17. Ang drama mo pala dre...di bagay sa balbas mo....

    ReplyDelete
  18. Mag syota k n kasi gasdude para wala ka namimiss! Hahaha!

    ReplyDelete
  19. And you just gave me the inspiration for today's blog entry ... sakto ... umuulan ...

    ReplyDelete
  20. ang emosyon... malalim ang pinaghuhugutan. hehehe.. uwi ka na dito para magkasama na kayoi ni #3 ;)

    ReplyDelete
  21. nabasa ko 2 dati na minsan daw it's okay that we miss are friends kc dun ntin na realize kung ganun ka importante sila stn at the more na miss ntn sila mas binibigyan ntn importansya yong relationshp na yun:)

    haist..na miss ko tuloy yong mga frnds k0:)

    nice post!

    ReplyDelete
  22. sigurado ako... namimiss ka din nila. :)

    ReplyDelete
  23. emote muna ng bago pumartey ng friday ba ang drama? :P

    ReplyDelete
  24. hello!!

    nakaka miss talaga ang bonding wid frens..

    malayo ka rin pala.. nice to meet you.

    ReplyDelete
  25. dont worry magkikita ulit kayo at babalik ang dating samahan..

    ReplyDelete
  26. i have no idea kung sino sila pero one thing is for sure, MISS ka na rin nila. Bow!

    ReplyDelete
  27. i have no idea kung sino sila pero one thing is for sure, MISS ka na rin nila. Bow!

    ReplyDelete
  28. it's just a plan for now (re: SG in October) but definitely.

    ReplyDelete
  29. malamang miss ka na din nila Gasul. uwi ka sa Pinas na din, I'm sure madaming tao ang nakakamiss sayo

    ReplyDelete
  30. people come and go! but they're still in our hearts :)

    ReplyDelete
  31. It's hard when you miss people kasi wala kang magagawa kundi imaginine na lang sila parang imaginary friends lang LOL

    ReplyDelete
  32. awts. this and my expriences leaves me with the conclusion that people are like water. we need them in our lives and we should continuously seek for fresh supply. or else we starve. we feel sad but we keep that grin in our lips knowing that there are more exciting people to meet. cheers!!!

    ReplyDelete
  33. there is this great line sa isang kanta...

    "missing is just part of living. missing you is just a way of life."

    ReplyDelete