Wednesday, July 27, 2011

PART 2: Bloggers Meetup in Manila


Kapag umuuwi ang isang OFW blogger sa Pilipinas, hindi ata pwedeng mawala ang EBs (eyeballs) o meetups with other fellow bloggers.

My recent trip to Manila was no exception, though unlike before, hindi ako nag-organize ng meetup this time. What I did was, I just let the other bloggers know that I will be going home for holidays via this blog and Twitter. Kapag gusto nila akong makita at merong free time, nakikipagkita ako sa kanila. Mahirap kasing magpakita ng intention to meet and greet certain bloggers in person tapos ayaw naman pala nila akong makita at makilala. Hehe medyo allergic kasi ako sa rejection. LOL!

Medyo iwas din ako sa malalaking meetups. I had been to some and they were fun (even organized one before), pero minsan sa sobrang dami ng kasamang bloggers, nagiging divided ang time and attention to get to know them better. Mas preferred ko minsan 'yung onti lang ang kasama para mas intimate at mas masarap ang kuwentuhan over coffee or bottles of beer.

Dahil limited din ang time, I only managed to meet up with a few bloggers in Manila. They're the following:

1. Aajao & Kuri - I must admit, biased ako sa dalawang 'to. I always keep it a point to allot time to meet up with them sa tuwing umuuwi ako. They are the 'daddy bloggers', and both mostly blog about family, career and fatherhood. The first time I met up with these two, it was instant camaraderie. Parang matagal ko na silang kilala. I always get inspired with their stories about taking care of their families and raising up their kids. Dahil sa kanila parang gusto ko na ding magkaroon ng sariling pamilya. LOL! Aside from that, laging may pabaon si Aajao na dose-dosenang condom. They both are like brothers to me.


2. Kathy - She was one of the few who responded to this blogpost and showed interest to meet up with me. I first came to know her and her blog sa PinoyExchange, and have been following and 'keeping an eye' on her eversince. LOL! We met at Ayala Triangle and had coffee and pastries at Coffee Bean. And WOW! She's really very nice and full of energy (and quite pretty) in person. I can't think of any dull moments when I was hanging out with her. She's definitely one worth keeping, and I would love to meet up with her again and get to know her better.


3. Andy & Ahmer - Hindi na masyadong active sa blogging ang dalawang 'to, pero nakakakulitan ko sila sa Twitter. It was my second time to meet up with Andy, and first with Ahmer. They expressed their interest to meet up, so I gave in. Saka birthday din ni Andy that time, sayang ang free dinner. LOL! The meet up, I must say, was quite memorable because of our topics of conversation. No details muna, but yeah, they're quite cool to hang out with.


4. Kat - She's the one behind Urbanity.ph, and also my close friend and colleague in the company I work for in Singapore. She happened to be in Manila as well when I was there so we decided to meet up. If you're into fashion, then check out her blog.


Marami pa sana akong gustong makita at makilalang bloggers in person, pero dahil nga isang linggo lang ako sa Pilipinas, walang naging masyadong time. Alam kong merong ibang nagtampo. (Sorry po!) Hayaan niyo at meron pa namang mga susunod na pagkakataon. Saka anytime naman eh puwede niyo akong dalawin dito sa Singapore. :)


20 comments:

  1. ikaw na talaga ang pangulo ng bloggers foundation! :)


    First bloggers meet up ko was the pinatubo trip that I attented last feb of 2009 :)

    then dito sa sg andami. hehehe

    well sana maging active din ako when I'm in manila na :)

    ReplyDelete
  2. Parang nakakahiya makipagmeet kay Ate Kat (oo, close agad). She's sooo pretty at parang ang zuhsyal. Hahaha. Hello derr!

    ReplyDelete
  3. naks sa eb :D

    anu kaya mangyayari pag umuwi ka tapos may grand bloggers eb. lols. ikaw ang panauhing pandangal :p

    ahahaha, san ka ba mahahagilap sa SG? wakakaka

    ReplyDelete
  4. ikaw na ang celebrity. at gustong imeet ng mga bloggers. hahaha

    ReplyDelete
  5. what's nice about small group meet-ups, mas intimate ang chikahan... it gives you more chance to get to know the person.

    i think i like Kathy! she's pretty! ehem... i read about her from another (girl)friend's blog. :)

    wtg pangulo! :)

    ReplyDelete
  6. aha! may mga eyeballs pala..kelan kaya ako makakasama sa mga genyan... pero pero katulad mo na allergic din sa rejection... nasa ibang mundo yata ako... mahirap bumaba mula dito, pag may spaceship na magkikita kita din tayo... :D

    ReplyDelete
  7. i do agree that big groups can be a problem. my first and last blogger gathering her in nyc was 4 yrs ago. it was really big. didn't had the chance to meet people personally.

    ReplyDelete
  8. wag mo na kasing gamitin ung mga epektos na binibigay ni aajao para maging daddy ka na rin! HAHA.

    Seriously, salamat talaga kasi lagi kaming kasama ni jon sa mga meet up plans mo.

    Na-touch talaga kame.

    until next meetup brother. stay safe. God Bless!

    ReplyDelete
  9. Ipanapakita lang nitong gusto mo ng magkaroon ng sariling pamilya.and this is Good.

    ReplyDelete
  10. AWWW ASTIG!

    next meetup sa australia na a! hehehhe!
    annnd
    wow naman allergic ka sa rejection--a bsta ako pinuntahan pa rin kita!!! hahaha kc gusto kita makita! ikaw ang DIYOS NG BLOGGERS MEETUP

    ReplyDelete
  11. masarap makipag Eb talaga!

    kengkay here

    ReplyDelete
  12. mas gusto ko ring makipagkita sa mga blogger na kawavelength ko talaga. kapag marami nga kasi, nagmumukang riot 'yung mahabang mesa. tapos, biglang magkakaniya-kaniya na. nakakatuwa talagang makipag-eb. dito mo makikita kung 'yung pagkakakilala mo sa manunulat sa likod ng blog eh parehong-pareho sa pagkakakilala mo sa kaniya sa teleserye ng totoong buhay.

    ReplyDelete
  13. Buti pa ibang tao kinata.. huhu

    ReplyDelete
  14. Idol, ok lang if di rin ako nakaresponse ng maayos sa invite mo for the meet-up. Di bale marami pa namang time eh! I am glad dis time parang mas masya nga ang phinga, gala at bakasyon mo!

    ReplyDelete
  15. QUITE pretty? HMPF! Hahahahaha ....

    It was very nice to meet you too! :)

    ReplyDelete
  16. naiyak ako, pramis... pautang! hahaha :P

    ReplyDelete
  17. si Andy at Ahmer parang kambal. hehehe na-meet ko naman in person si Andy because of Ahmer.

    ReplyDelete
  18. my 3rd and final comment for this particular post... sa sinabi mong: "Kapag umuuwi ang isang OFW blogger sa Pilipinas, hindi ata pwedeng mawala ang EBs (eyeballs) o meetups with other fellow bloggers."

    sagot ko: pwede kaya yun. sa yo lang hindi pwedeng mawala ang EB kase certified Mr. Blogger Congeniality ka kaya habulin ka ng bloggers kapag umuuwi ka :P

    ReplyDelete
  19. Kaya sikat na sikat ka eh, dami mo eyeballs hehehehehe

    ReplyDelete