Thursday, August 4, 2011

Luha ng Isang Sawi sa Pag-ibig


Ikaw ang siyang dahilan
Lungkot na nararamdaman
Hindi maintindihan
Bakit nagawang saktan
Ang pusong labis na nagmamahal

Anong nagawang kasalanan
At ako'y iyong iniwanan
Bakit ikaw ay lumayo
Paano na ang mga pangako
Na hindi magbabago ang pag-ibig mo

Pinilit kong limutin ka
Ngunit hindi ko magawa
Meron bang dapat sisihin
Sa nangyari sa atin

Wala na ba talagang pag-asa
Na ikaw ay magbabalik pa
Paano na ako
Kakayanin ko ba ito
Ang mabuhay na wala ka
At nag-iisa
O paano na?



This is my entry to Iya_Khin's contest. Hindi talaga ako mahilig gumawa ng tula, and my real intention for this entry was to make it into a song. Kakausapin ko sana 'yung kaibigan kong musikero to prepare a piano accompaniment for this pero baka hindi ko ma-meet ang deadline. So I just recorded an acapella version. Check it out below. :)





49 comments:

  1. kelangan may acapella version talaga? ganon ba?

    ReplyDelete
  2. wow talaga bang may acapella?! di ko pa mapakinggan sa kadahilanang ako'y nasa banga pa...

    may naalala akong kanta habang binabasa ito..paano ba ang mag-isa nalimutan ko na mula noong ibigin ka...lels ang EMO

    ReplyDelete
  3. ayown kahit hindi ko pa napapangkinggan yung audio eh makacomment na rin... alam ko naman pang malakasan ang boses mo ser :)

    ayus ser ang tula, ladlad na ladlad ang nararamdaman.. yun na yun!

    ReplyDelete
  4. Dahil sa nagliliparang tweets na nakikita ko tungkol sa entry mo, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na bumisita dito. Ito ang hatol ko:

    MAY PINAGHUGUTAN ANG PAGIGING EMO. HEHE.

    ReplyDelete
  5. Feel na feel ko ang sakit!
    Kaya mo yan!
    GOODLUCK SA PAKONTEST!

    ReplyDelete
  6. Ouch.. kung nagawa mo to't narinig ko nung February, siguradong mapapaluha ako nang todo. huhuhu..

    Ang galing po, Ser. Clap! Clap! :)

    ReplyDelete
  7. ANG LAMEEEEEEEEEG NG BOSES!

    ReplyDelete
  8. Wow, ang galing, mas naeexpress talaga ang pagka-emo kapag may tono yung composition. And blues, at that, very fitting. Gusto mo gawan ko ng sheet? Kaya lang, wala na rin pala akong praktis sa piano. Tsaka, I noticed you got pauses, maybe they are meant for instrumentals that I cannot have an adlib of. Mas maganda kung kasama mo yung gagawa ng notes para mas personal ang dating. Great job, GD!

    ReplyDelete
  9. Nung nilink ni madz to sa twitter magcocoment sana ako na magandang lapatan ng musika ang tula mo tas nakita ko sa baba na may audio pala. Astigin! Kung magtatampo ang asawa o girlfriend kung kakantahan mo nito habang naggigitara ewan ko nalang kung hindi pa maalis ang tampo.

    Mas nagiging maganda ang isang tula kung maganda rin ang pagbibigkas nito.
    Sa pyesa na ito tingin ko mas nabigyan mo ng ito hustisya. Mahusay! Tagos eh

    ReplyDelete
  10. @ Bulakbol: Mahigpit kasi ang labanan, at malulufet ang mga entries. Dapat unique. LOL!

    ReplyDelete
  11. @ iya_khin: Haha alam ko 'yang kantang 'yan! Salamat sa iyong patimpalak, at nagkaroon ako ng bagong post sa blog. LOL!

    ReplyDelete
  12. @ hArTLeSsChiq: Salamats! Hindi talaga ako mahilig magsulat ng tula. Frustration ko 'yan, dati ko pa pinipilit pero wala talaga. Buti nga at nakabuo ako. Haha! :)

    ReplyDelete
  13. @ Anonymous: Sino ka man, salamat sa pagbisita, pagbasa at pakikinig. :)

    ReplyDelete
  14. @ Kuri: Salamats! Sali ka na din! Pera daw ang premyo, at isang kaban ng NFA rice. LOL!

    ReplyDelete
  15. @ Leah: Hahaha salamats! Anong nangyari nung February? Kuwento! :)

    ReplyDelete
  16. @ Kuri: Haha bolero! Sige me pasalubong ka na din sa sunod kong pag-uwi, hindi lang si Wifey. LOL!

    ReplyDelete
  17. @ The Green Breaker: Frustration ko 'yang instruments. Wala akong alam na tugtugin. Nag-aral ako dati ng keyboards kaso hindi ko natututunan. Mas maganda sana kung may accompaniment. Hehe salamats sa pagbisita. :)

    ReplyDelete
  18. @ Joey: Haha salamats! Tagos din ang comment mo. LOL! Pero kung marunong lang akong mag-piano, mas maganda sana kung may musika. :) Natuwa lang talaga ako sa pa-contest ni Iyakhin. :)

    ReplyDelete
  19. Hindi ko alam kung sa lyrics or sa boses mo ako kinilabutan eh. Pero in fairness, ang ganda ng boses mo. Next time pag may piano accompaniment na, parinig mo samen ha?

    ReplyDelete
  20. @ K: Salamats! Sige sabihan kita. Nahalata mo ba nung pumiyok ako? LOL!

    ReplyDelete
  21. nakarelate ako dito sa tula awit. hehehehe.

    pareho pala tayong may magandang boses. hahaha. joke. astig pre. nakarelate ako sa kaemohan, parang gusto kong maging emo

    ReplyDelete
  22. ibang klase ang sinulat mong ito..good luck sa pagsali sa contest..

    ReplyDelete
  23. Ang galing nito. Kaya pala di ko maapreciate masyado nung una kasi may tono. Hehe.. Galing mo po Sir! (Dodownload ko sana yung acapella kaso di ko alam kung pano magnakaw ng ganon. peace*

    ReplyDelete
  24. yown oh! may pagkantang nagaganap!
    maganda naman talaga ang boses mo Pangulo halata naman sa pagkarir mo noon sa Kbox :P
    Palista ka na sa SG Pinoy Singing Idol 2011 sa may LP!!
    Open pa ang registration!

    gudlak sa pakontest ni iya_khin :)

    ReplyDelete
  25. honestly kung lalapatan ito ng tono, magandang kanta to. habang binabasa ko, nilagyan ko ng tune. maganda :)

    ReplyDelete
  26. Oh eh di sorry naman sa songer? Haha. Ang husay. Ikaw naa! Maganda na lalo pa tong gaganda kung may piano. Ikaw na talaga Kuya ang songer. Hahaha. Good luck!

    ReplyDelete
  27. sa totoo lang may potential. Sending to Ptr. Nelly :-D

    Kaw na Singer!!!!

    ReplyDelete
  28. alam ko may pinahuhugutan ang bawat linya..ahaha..chusmoso lang..

    hindi ko maplay ang audio..mobile kasi gamit ko..pero alam ko naman na basta ikaw ang kumanta ..wala na..you already na talaga..hehehehe...

    ReplyDelete
  29. anga stig naman nito!!!


    Lupet pa ng boses!

    LIKE

    ReplyDelete
  30. hanep sa boses. ibang klase. to the highest level na ang entry na to.

    ReplyDelete
  31. nice din itong sau.. Good luck!! salamat sa dalaw..

    ReplyDelete
  32. i don't know why but i definitely understand it more when it was a song than a poem....

    ReplyDelete
  33. naiinluv naman tlgah akoh sau kuya dude koh oo... lolz... lavet!... nakanang naman tlgah... me talent... dehinz lang wafu... me talent! kung nasa itunes lang song moh eh dinownload koh nah... kahit acapella pa yan.. nakanang naman... me fan kah! lolz.. ingatz kuya dude... Godbless!

    ReplyDelete
  34. ikaw na talaga ang sawi pangulo! hehehe

    never too late. lumabas labas kasi and dobol time sa paghahanap :)

    ReplyDelete
  35. May pinaghuhugutan ka bossing ah.. lol

    ReplyDelete
  36. Hindi rin naman naitanggi na itinatangi pa rin.

    Walang kakaiba sa mga salita pero nandun ang damdaming pwedeng maging dahilan ng pag-iyak.

    :)

    ReplyDelete
  37. kabooommmm... BEST ENTRY so far...

    hehehe.. lupit ng boses mo parekoy... panalo yung song, sreglo nalang kulang.

    ReplyDelete
  38. Asang "below" banda? di ko mahagilap a..liriko pa lang hangsakit na sa dibdib...hahahahaha

    ReplyDelete
  39. ayun!narinig ko na..LOLS takte! di ako sanay...tibay mo dude!!asteeg karaoke boy!:))))

    ReplyDelete
  40. pa-comment lang po... :)

    i super love it!

    more than 10 times ko na pinakinggan...

    naka-relate lang po... :( w/ matching "emo moment" while nagttype...

    thanks for this, dagdag sa collection ko...

    more, more... =)

    ReplyDelete
  41. is this song dedicated to me? aheheheh dejavu

    ReplyDelete
  42. Do you want a violin accompaniment with that?

    Teka, tapusin ko lang 'yung Yamaha ko. Katatapos ko lang sa isang tutorial e.

    Ah hm, makabagbag-damdaming tula.

    ReplyDelete
  43. Nung binabasa ko ung entry, sabi ko "DAPAT KANTAHIN TOH NI GASUL!" tapos pagscroll down ko--BOOM! ang ganda ng boses !!! :D

    ibang klase ka talaga gasul... pagdating sa ganito, ikaw talaga naaalala ko e ! mga old posts mo... nag-eevolve! galing mo talaga!

    ReplyDelete
  44. may pinag huhugutan??? hmmm! ahahaha!
    at talagang pinakinggan at tinapos ko ang acapella! ganda!!

    ReplyDelete
  45. Sumusonger na naman!!! Hehehe leverl up na pala ang pacontest ni iya_khin... I think this calls for a collaboration between you and traveliztera hahahaha konting verse pa at chorus buo na ito!

    ReplyDelete
  46. Hahaha. Musika kung musika. At ambigat ah.. Ganda..

    ReplyDelete