Wednesday, September 14, 2011

Buhay Blogero


AKO: Bakit hindi ka na masyadong nagba-blog?

BLOGGER: Naging busy kasi ako sa totoong buhay.

Natawa ako sa naging sagot niya, but at the same time, napaisip din. Hindi ba considered na totoong buhay ang buhay ng isang blogero?

Ano nga ba ang buhay ng isang blogerong tulad ko? At first I thought it's all about expressing oneself thru blogging, may it be about your personal experiences, opinions, insights, or reviews. Pero mali pala, hindi pala natatapos sa pagsusulat lang. As you blog, you get to introduce yourself to other sources of social interaction. Dadating 'yung time na merong maliligaw sa blog mo, magbabasa ng mga sinusulat mo, at mag-iiwan ng bakas sa comments page mo. Ikaw din, maliligaw ka din sa blog ng iba, magbabasa ka din ng sinulat nila, at mag-iiwan ka din ng bakas sa kanila. The possibilities are endless, from getting a personal e-mail from an 'online fan' to a possibility of getting married to one. LOL! Have I mentioned before that I had once a GF because of blogging? (No intention of bragging about it. Too bad it didn't work out.)

I must admit, naging adik ako sa iba't-ibang klase ng social media, not just limited to blogs. Name it: social networking sites like Facebook, microblogging platforms like Plurk & Twitter, online forums like PinoyExchange & PinoySG, photo sharing apps like Instagram, and others. I got hooked dahil iba't-ibang klaseng 'high' ang nae-experience ko sa bawat isa. I get to express myself more, learn more at marami din akong naging kaibigan thru all these social media thingamajigs.

But it's not always been a bed of roses. Hindi lahat ng experiences ay naging maganda. FIRST of which, I think it has become an addiction, and I guess too much of anything is not good. Naapektuhan nito ang concentration ko sa ibang bagay, tulad ng trabaho. Hahaha! Pakiramdam ko eh hindi ako nagiging productive sa office kapag masyado akong tutok sa Twitter. (Ito ang reason kung bakit ako pansamantalang nag-HIATUS sa Twitter.)

SECOND, I've encountered some people online who, I just realized, are not really worth any of my time and attention. These are: (1) those malicious ones who don't have the purest of intentions. They would try to befriend you but afterwhich, gossip behind not just your back but everyone's backs, and utter not a single positive word about certain people; (2) those who excessively rants and complains about everything. I know that we all have the freedom of expression, but these people don't seem to have anything else to do but spread bad vibes around them. (This is actually not a rant post. I have come to accept that there are people who are like those, and 'to each one his own'.)

Come to think of it, my blogger friend made a lot of sense, so I'm planning to do the same. Huwag kayong mag-alala, hindi ko pa naman lilisanin ang aking 'online social life'. Babawasan ko lang siguro, as I need to prioritize on other things as well. Tulad niya, siguro kailangan ko ding maging busy sa aking 'totoong buhay'. :)


35 comments:

  1. from getting a personal e-mail from an 'online fan' to a possibility of getting married to one.. ayalvet! ♥

    as much as possible, i stay away from being OL too much. i really dont get it why people expose themselves. nakakatawa. no one really wants to know! haha!

    ReplyDelete
  2. natamaan ako. haha. Tumatakbo ako sa blog world kapag ayaw kong harapin ang totoo kong buhay. hehe.

    ReplyDelete
  3. tinamaan naman ako sa post na ito.. i mean nagiging less productive na rin ako dahil sa addiction ko.. hehe

    pero agree po ako sa sinabi nyo na hindi lang labasan ng sama ng loob or basta-bastang self expression ang blogging :)

    thumbs up!

    ReplyDelete
  4. Buti ka pa nagkaroon ko ng Lover on-line :)

    Ako ang dahilan ng blogging ko gusto kong sabihin yung mga bagay na gusto ko na hindi ko nasasabi sa labas.
    O kaya mga thoughts or whatnot.

    pag nagkataon nga lang
    mamimiss ko yung mga istorya mo. :)

    ReplyDelete
  5. I was once an addict rin sa online world like social networking sites, forum and chatting pero I realized I became idle and unproductive kasi kagaya mo puro yun rin ang inaatupag ko. The worse naapektohan na rin ang "real social life" ko kasi I hangout mostly with people I know from online world although there is nothing wrong with it pero dapat rin pala balanse ang lahat. Too much of something is bad.

    ReplyDelete
  6. tama ka lahat ng sobra masama ..dapat everything's in moderation.

    this is an eye opener..lalo na sakin ngayon...

    thnks for the reminder dude.

    ReplyDelete
  7. tama ka gasoline dude, okay lang naman na may mga nteworking sites account ka pero not to the extent na pati work mo napapabayaan.

    same with me, di na ako active sa networking sites. i realized that it will just ruin my productive days.

    ReplyDelete
  8. ako ginamit ko ang blog bilang may personal comfort zone, kung saan pede ko sabihin ang di ko maisabi sa totoong buhay.

    marahil evry now and then okay din na lumayo sa online world at online life.

    ReplyDelete
  9. blogging used to be my "escape" from the stresses of my work. and i didn't know it was that.

    sa una, mahilig talaga ako magsulat and frustration ko magkaron ng sarili kong column on the lifestyle section of a broadsheet. pero di pala yun ang case.

    when i was pirated to enter a new company, my sked just freed up and i suddenly became unbusy. because of that, nawalan na ako ng drive to blog. and now, i blog for only around 3 to 4 times a month.

    until now, admittedly, wala yung excitement for blogging.

    ReplyDelete
  10. ARAY!!!

    Hehe.. bull's eye ako dito, GasDude. Nakaka-adik nga tong mga to, lalo na yung microblogging platforms like Twitter.. And Ms Chyng's comment really made a lot of sense. "No one really wants to know!"..

    Hay, ang sakit. haha!

    Ako, madaldal kasi ako pag online, lalo na sa Twitter. Kahit na ano na lang, share nang share. Kahit pupunta ng Cr, kelangang itweet. Lols.. Maybe I should do that, too..

    Maybe I should take a step back na rin muna.. Aminado ding napapabayaan ang work. :(

    ReplyDelete
  11. oo tama ka diyan, lalo na sa mga unang bahagi na sinabi mo at isa pa dadating din tayo sa punto na minsan kailangan natin maglielow para magfocus sa mga importanteng bagay...

    ReplyDelete
  12. trinash ko na nga ung isa sa 4 blogs ko. i'll maintain two blogs na lang siguro. tama ka nakakaadik din .

    ReplyDelete
  13. Well, tama si Blogger friend. "Totoong buhay" is the physical, this is virtual but why would we think that virtual is not real?

    Sometimes, nagiging distraction din sakin ang pagsulat, minsan masyado akong naattach sa virtual-ity na hindi naman dapat. Nakarelate lang ako. (though not by much)

    ReplyDelete
  14. Point very well said ser gasul...:)

    Everything should be in moderation mapa bisyo man o blogging...hehe

    para sakin naging platform ko ang blogging para maipahayag ang aking mga saloobin..

    ReplyDelete
  15. i call this the blogging life cycle. simula. tas magiging aktibo. tapos sobrang maaadik. tapos mawawalan ng gana. tapos mawawala. tapos repeat cycle.

    pinagdadaanan ko yan ngayon.

    ReplyDelete
  16. been there, done that. as much as i want to post anything and everything, i realize that there should be limitations...

    ReplyDelete
  17. depende sa'yo yun kung paano mo titingnan kung totoong buhay ba yung blog o hindi.

    nakakapanibago ka na hindi lang social networking ang binawasan mo, hindi mo din sinasagot yung mga txt messages (na di ko alam na tunay ba yung tingin mo dun o pekeng buhay din?).

    siguro we are not worthy of your time.

    regards nalang sa'yo.

    ReplyDelete
  18. @ Bulakbolero: Adik ka! Kelan ka naman nag-text? Wala akong na-receive.

    ReplyDelete
  19. sometimes i also got irritated dun sa mahilig magrants na may kasamang mura..nakakaturn off!

    pero for me blogging is one tool para makahinga ako..which i can't say to others personally..dito kasi mas naeexpress ko ang totoong feelings ko..o r kung anong tumatakbo sa utak ko..sa real word tameme ako...nablablangko ang utak ko..lost for words ika nga..

    ilang beses na akong nag attempt iwanan ang blogging and twitter pero di ko matiis! hahahah

    ano ba 'to post ko?! sorry naman po! hahaha

    ReplyDelete
  20. hehehe..yeah, tama nga. because of this post. naging more aware ako na may totoong buhay nga pala aside from the cyber world. hehehe..

    so balik muna ako sa totoong buhay..hehe..

    ReplyDelete
  21. mula ng magawa ko ang blog na ito gusto ko lagi na lang mag blog at mag punta sa ibang mga blog site....pero minsan dahil parang napapansin ko na parang naaadik na talaga ako ay nag lalast post ako..katulad last year na ang last kong pag post ay October 8, 2011.....ngayong taon di ko alam kung kailan ako magpa last post..

    ReplyDelete
  22. akala ko nung previous post visual changes or presentation ng blog ang tinutukoy. yun pala changes sa mismong may ari.

    sir gasoline dude, tama lahat nung observation ninyo so whatever you plan, paniguradong it would bring you more of personal satisfaction na hindi naman talaga laging sa online lahat makikita.

    goodluck sa bagong routine!

    ReplyDelete
  23. minsan na lang din ako mag-blog at mag-tweet these past few months. i became too busy with work and with my "real" life. hehe. kung gusto ko mag-rant or mag-emo, i go to twitter. konti lang naman kasi nakikilala sa akin dun at naka-private pa ang account.

    ReplyDelete
  24. I was once an online addict, 2007-2008 following a break up, naging leisure ko ang blogging and chatting (so my blogs were more on the bitter side). But as we get older and as our lives change, like me, getting married sa totoong tao sa buhay ko... naiiba na... I still blog, and tweet a bit (lil shoutouts!), but I was not the way I was at the height of my addiction...nao-outgrow pala tlg! I rarely open my ym or skype and yung discovery mo about people talking behind you, dyan wala akong kadala-dala, matagal nakong biktima nyan pero go on pa rin, people never fail to disappoint us lang tlg... kht anong benefit of the doubt, meron tlgng mga malicious and vicious onliners...nakakalungkot... But the good thing is, despite those --- meron din namang mga super great friends built online (and eventually, nagiging totoong buhay na), and like what you said, others marry them pa... amazing!
    Kaya lang dapat lang balanse kasi online life could be disappointing pagtinuon nalang natin lahat doon... dapat meron tayong back up >>> which is the reality.

    ReplyDelete
  25. Couldn't really understand most of your posts, but I read the ones that were in English :)
    I love your header! :)

    ReplyDelete
  26. I blog when I felt like talking. nice post! and I agree..too much of sumthing's not gOod...

    ReplyDelete
  27. Parang showbiz life yata yung blogging tapos totoong buhay yung offline life LOL. Tama ka sa #2, madami nga madalas mag-rant na ang sarap sabihan ng "Wala na bang nangyayaring maganda sa buhay mo? Bakit di ka pa maglaslas ng singit at nang matapos na ang paghihirap mo."

    ReplyDelete
  28. I can somehow relate to this Sir. Medyo nakaka-stress pag hindi mo maiwan ang blog mo, at mga friends mo pa ang readers.

    I'm a new reader/follower Sir, and I really find good things on your blog, because I read your older posts. God bless. :)

    ReplyDelete
  29. natuwa naman ako sa comment ni Bulakbolero.

    Pahabol pa talaga ang regars na lang sayo.

    Ang isang maganda sa blog ay ang mga totoong taong nakikilala mo kahit sa online lang.Gusto mo silang makilala at makita ng personal one day kasi ramdam mo ang puso nila kahit sa mga simpling commnets lang. Di nga talga natin maipapangakong magin online palagi or hangang kaylan pero ang maging bagi ng buhay nila yon ang di mababayaran.

    ReplyDelete
  30. hehe medyo na late ang comment ko dito ah, hahaha nakaktuwa minsan nakikita ko na lang yung sarili ko na matagal ng nakaharap sa compyuter.hahha. adik n nga ata ako. pero kasi depende pa rin sa purpose m.
    yung iba trabaho n ang blogging, hehe. basta. nwei the best ang post mong ito. ^_^

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  31. minsan, mas tahimik at payapa pa sa totoong buhay kaysa buhay online.

    naisip ko na rin mawala sa online world. pero nanghinayang ako sa blog ko. hahaha.

    PS. indefinite hiatus na yung xanga ko. zero karma na yung plurk ko. ice cold frozen na yung multiply ko. at bago pa man nagbago yung friendster format, nauna na kong tumigil sa social network na yun. twitter, blog at FB na lang... minsan ko pang dineactivate ang FB ko para lang manahimik. pero di ko natiis. hahaha

    PS2. salamat sa pagbabago ulit ng font. :P

    ReplyDelete
  32. online life is almost like real life
    ma-tsismis din
    hehe

    ReplyDelete
  33. 'Yun nga ang rason kaya 'di ako masyadong nagbablog kasi binabawasan ko ang buhay internet ko at nagpapagwapo ako sa boss ko. LOL.

    Sina RB at Leyn lang ata ang kakilala kong matibay ang relasyon na internet ang pundasyon. Sa kaso ko at kaso mo, oh well marami pa namang blogger na pwedeng syotain kaso nadala na ako, hindi ako nagkapagsulat noong nagka-girlfriend ako ng blogger at hindi rin maganda ang naidulot nito sa'kin. Bahaha!

    ReplyDelete
  34. tama nga sinabi mo kaDude, kapag sumobra ang isang bagay ay hindi na maganda, kahit anong bagay yan, pagkain man yan, stismis, feeling o bisyo. Dapat balance lang :)

    ReplyDelete
  35. Nice Blog, just passing by, try to see my place.

    ReplyDelete