Thursday, September 1, 2011

THREE


Tatlong araw.

Isang kaibigan ang dumalaw dito sa Singapore ilang buwan na ang nakakaraan. Isa siyang Australian na nagtrabaho sa Vietnam bilang isang English teacher ng mahigit sa isang taon. Nasiyahan siya sa kanyang pamamalagi at pakikipagsapalaran sa Asya, ngunit pagkatapos ng kanyang kontrata sa Hanoi, nagdesisyon siyang babalik muna ng Australia para muling mag-aral. Isa pa, gusto din niyang makita at makapiling muli ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa bansang kanyang sinilangan at pinagmulan.

Nakitira siya sa akin ng tatlong araw, isang pabor na kanyang ipinakiusap. Ako ang naging tour guide niya habang namalagi siya dito sa Singapore. Naging masaya ang naging bakasyon niya dito. Wala kaming ginawa kundi maglibot, kumain, maglaro sa arcade center, manood ng sine at magkuwentuhan. Nakipagkita din kami sa ilan naming mga kaibigan.


Pagkatapos niyang lumipad patungong Perth, bigla akong napaisip. Kailan kaya dadating ang araw na masasabi ko din sa sarili kong,

“Panahon na para bumalik.”



***************


Tatlong taon.

Tatlong taon na din ang nakakalipas.

Kay bilis ng panahon. Parang kailan lang. Hindi ko naman talaga ginustong magtrabaho sa ibang bansa. Wala ito sa mga plano ko. Isang OFW ang tatay ko sa Middle East noong nabubuhay pa siya, at alam na alam ko ang pakiramdam ng naiiwanan. Mahirap. Masakit. Pero kailangang indain ang pangungulila dahil tanging ang tatay ko lang ang nagtrabaho. Full time housewife ang nanay ko. Hindi kami mayaman, at kailangang masustentuhan ang aking pag-aaral.

Pero bakit nga ba ako nasa Singapore ngayon? Hindi ako katulad ng ibang OFWs na ang naging pangunahing hangarin ay ang kumita ng mas malaki. Siyempre kasama na din ‘yun, pero nandito kasi noon ang girlfriend ko na ex-girlfriend na ngayon. Marami kaming naging mga plano dati. Subalit bago pa man ako lumipad papunta dito, bigla siyang nakipaghiwalay sa ‘kin. Meron siyang nakilalang iba. Pinagpalit niya ako sa ibang lalaki.

Sobrang sakit. Ilang araw din akong umiyak. Pero sinabi ko sa sarili ko na pupunta pa din ako ng Singapore, hindi para suyuin at piliting makipagbalikan sa babaeng aking minahal, kundi para humanap ng mga kasagutan sa mga tanong na bumagabag sa aking isipan.



***************


Three jobs.

Sa tatlong taong inilalagi ko dito, tatlong kumpanya na din ang napasukan ko. Jobhopper? Pasaway? Hindi naman sa ganoon. Naapektuhan din kasi talaga ako ng global economic crisis noon. Lagi akong nasisibak dahil sa palagiang retrenchment ng mga kumpanya dito. “Last IN, first OUT”, ika nga ng iba. I’m on my third job now. Sa isang travel magazine naman ako napunta, at advertising sales ang aking naging linya. OK pa naman. Wala pa akong nakikitang ‘panganib’ sa ngayon.

Hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa, lalo na dito sa Singapore na puros competitive ang mga tao. Mas mahirap para sa ‘kin dahil hindi naman ako inhinyero, arkitekto, o isang IT professional. Hindi kalakihan ang suweldo ko dahil wala naman akong ‘technical skills’ na karaniwang in-demand saan mang panig ng mundo. Sabi nga ng isang kaibigang kapareho ko ng sitwasyon, tanging hitsura lamang at husay sa pananalita ang aming puhunan. Mabuti na lang talaga at parehong maganda ang lahi ng aking mga magulang, at napabarkada ako sa mga kaklase kong galing Ateneo High School nung college ako. Kahit papaano ay nahawa ako sa pagiging ‘slang’ nila kung magsalita.



***************

Tatlo.

Nabanggit ko na bang ako'y isang ‘only child’? Ako ang kaisa-isang anak nina Lito at Guada. Pero dahil namayapa na ang aking ama, ang dating ‘tatlo’ ay naging ‘dalawa’.



Walang araw na hindi ko naisip ang aking ina na nasa Pilipinas. “Sino ba namang anak ang nasa tamang katinuan na iiwanan ang kanyang 67-na-taon na magulang na nag-iisa?” ‘Yan lagi ang naging tanong ko sa sarili ko. Matagal-tagal din akong binagabag at hindi pinatahimik ng aking konsensiya.

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon-ngayon ko lang napagtanto na sa tatlong taong pamamalagi ko dito sa Singapore, kahit kailan ay hindi Niya kami pinabayaan ng nanay ko. Inalagaan kami ng Diyos tulad ng pag-aalagang ginawa Niya nung nabubuhay pa ang tatay ko at nagta-trabaho pa sa Middle East.

Dalawang beses na akong na-retrench sa trabaho pero nandito pa din ako.

Regular pa din akong nakakapagpadala ng pera sa Pilipinas.

Nagkasakit ang nanay ko kamakailan lang, at kakailanganin dapat niyang sumailalim sa isang operasyon. Maraming nag-alay ng kanilang mga dasal, at ngayon, isang himala ang naganap. Sinabihan siya ng kaniyang doktor na hindi na siya kailangang operahan.

Ilan lamang ‘yan sa mga biyayang aming patuloy na natatanggap.


***************



Tatlong taon.

Tatlong taon na din ang nakakalipas.

Habang sinusulat ko ito, tinatanong ko ulit sa aking sarili, “Panahon na ba para bumalik?”

Ang masasabi ko lang, this will be a lifelong journey. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, patuloy pa ring ipinapakita at inihahayag ng Diyos, kahit paunti-unti, ang mga plano Niya para sa amin ng nanay ko. Kailangan ko lang buksan lagi ang aking mga mata at tenga, at patuloy na manalig at magtiwala.

Dahil kung nalalapit man ang aking pagbabalik, alam ko na wala na akong dapat ipangamba pa.




(This is my entry for this year's Pinoy Expats/OFW Blog Awards, with the theme, "Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago".)


47 comments:

  1. Aww, this is so heartfelt. Tama, just believe in God, everything will be alright. :)

    ReplyDelete
  2. sana makapasok ang entry mo sir gasul, susupportahan ka din namin :D

    ReplyDelete
  3. good luck sa yung entry pre.

    isang magandang kwento ang iyung naranasan.

    sanay ipagpatuloy mo ang magandang nasimulan at hangarin.

    ReplyDelete
  4. maganda ang sulat mo gasul. kakaiyak. i'm sure madami ofw makakarelate sa sitwasyon mo.

    kung ako tatanungin mo, siguro pwede ka nang umuwi.

    sapat na yung nakuha mong experience dyan para makahanap ka ng trabaho dito na mas mataas ang isasahod sayo kumpara nung di ka pa nakakaalis.

    kung hindi naman pangangailangan ang pangingibangbansa, bakit kailangang gawin? pwede ka pa rin naman magsucceed sa sarili mong banasa. :)

    ReplyDelete
  5. Nice one gasul,nakarelate ako sa kwento mo.goodluck!

    ReplyDelete
  6. isang magandang obra! good luck sa PEBA 2011 :D

    ReplyDelete
  7. I suppose I now know you a little bit more. Grabe, you are a man of faith pala.

    I hope you win =)

    Kane

    ReplyDelete
  8. how ironic that most of the things in your life resolves around the number "3". is it your favorite number???

    ReplyDelete
  9. Three years? Di ko kaya yun. XD

    ReplyDelete
  10. MERRY CHRISTMAS!

    Awww, bigla naman ako nalungkot! Naalala ko din si Mama. Unico hijo kasi ako so very close kami ng nanay ko. I'm a self-confessed Mama's boy. Naka-relate ako sa story 'cos when I was still a kid, wala din si Papa. OFW din siya sa Middle East nun.

    Everything has its own time, ika nga ng isang commenter sa blog ko. Siguro nga panahon na rin para umuwi ka. Mas mahirap nga lang ang buhay dito sa Pinas pero at least magkasama kayo ng Mommy mo. :)))

    Anyway, goodluck to this entry! Sure ng pasok. Ang gondo gondo. Very heart-warming and touching. Good job!

    ReplyDelete
  11. very heartfelt. Naniniwala din akong basta nasa atin ang gawa, gagawin din ni Lord ang dapat para sa atin. Good luck sa peba at sa iyong pagmumuni muni. Anumang mapagdesisyunan mo, sigurado akong kasama si Lord sa iyong ikokonsidera.

    ReplyDelete
  12. i hope you win!

    hindi lahat very vocal sa love sa magulang esp sa nanay, lam mo na pede sabihing "mama's boy", hanga ako sa yo pare...

    sa yong pagbabalik sana ma meet na kita hehehe...

    ReplyDelete
  13. ang ganda ng entry mo, namiss ko rin nanay ko. good luck dude!

    ReplyDelete
  14. Be strong. EVerything happens for a reason.

    ReplyDelete
  15. kuya, ang haba T_T hahaha. pero i managed to get through the whole article naman :)

    kahit nuon pa, i have always admired you for loving your mom so much :) and what you did when you left for singapore without any idea of what you were going to do is truly courageous.

    be strong always kuya, and god is always there. pray for his will in your life and be attentive when he shows it to you, so we know if its time to go back (i say the same thing to myself always :)

    ReplyDelete
  16. On accounting parlance and standard, Last In First Out is now obsolete. Pero hindi kayo products! Daya! Be strong po. Hindi masama kung hindi ka inhinyero, IT professional, o ano pa man. May angat ka pa din sa iba. Kanya-kanyang field and knowledge lang pati.

    All is well!

    ReplyDelete
  17. Matagal tagal n din pla...In God's time makakabalik k rin...

    Goodluck sa entry nyo sir...

    ReplyDelete
  18. 3 years.. 3 jobs.. 3 people.. :) I like this entry. Good luck po, Sir Alex. :)

    ReplyDelete
  19. maayos naman sa singapore, expat-friendly kaya isama mo na si nanay :)

    ReplyDelete
  20. Refreshing! Sa kakulangan ng mga tao sa atensiyon sa panahon ngayon, hindi ako nagsisisi na nagbigay ako ng ilang minuto para basahin 'to. Gujab sir gassy!

    ReplyDelete
  21. Goodluck Gasul.

    mukhang malabo daw kasing manalo ang ms singapore sa ms universe kaya sana taga-lah-lah-land ang manalo sa PEBA

    ReplyDelete
  22. kung may savings ka na, panahon na.

    ReplyDelete
  23. Ang ganda Alex!!!! It has a nice element that pulls at your heartstrings. Good luck! You'll have my vote. :)

    ReplyDelete
  24. waaah bakit wala dito yung comment ko?!! sabi ko na nga ba eh nagloloko yung server ko nung isang araw...tsk

    just keep safe and continue praying for your mom na lagi syang ingatan ni Lord....

    ReplyDelete
  25. kapit lang. Goodluck pare!

    ibinoto na kita!

    ReplyDelete
  26. Anak ako ng OFW. :) although sanay na ako sa set up na ganito, nakaka-emo din paminsan minsan. Hehe.

    I love reading blogs like yours. :) Very real. :)

    I'm sure pagbalik mo, magiging mas masaya ka na. Good luck!

    ReplyDelete
  27. sir gasoline dude, isa pong inspiring na kwento ito para sa lahat ng mambabasa. kung paanong sa gaya mo mismong personal na nakararanas ng lungkot, ng mga agam-agam kung anu pa ang mangyayari sa hinaharap pero nananatili pa ring punong puno ng pag-asa.

    kung mapagdedesisyunan mo mang umuwi, walang maaaring magsabing hindi ka nagtagumpay. iyon ay dahil na rin sa sakripisyo at personal na karanasan na hinding hindi mararansan ng iba. (gaya ko.)

    ReplyDelete
  28. alex.

    sa tatlong taon mo dito sa sg, di ko alam kung naging parte na din ng routine mo yung pagkikita-kita nating tatlo nila jaki tuwing may libreng oras.

    yung 3 taon mo. 2ng taon palang sakin dito sa sg. masaya naman. nakakatuwa na nakilala ko kayong mga bloggers dito. naging tunay na tropa ko na yung ilan (kayu nila fej, jaki... etc).

    yung iniisip mong pagbabalik, baka mauna pa ko kung di ako maextend sa nov. pero atleast ayun naman masaya din. dahil na din sa tropahan natin at sa mga tropa kong iba dito sa sg.

    dito nga sa sg nagsimula blogging career ko eh. kainaman yon. kaya pag umuwe na ko. nakakalungkot den. LOL. emo mode on. (uha uha pala dapat)

    goodluck sa peba pre. magkalaban tayo sa SEA award. kung manalo ka, idedicate mo din sakin yung award pag nasa stage ka ah? \m/

    salamat sa tropahan....

    ReplyDelete
  29. Isa ito sa mga magandang entry na nabasa ko para sa PEBA 2011.
    Hindi madaling maging OFW, dahil napagdaanan ko din iyan, katulad ng iyong nabanggit, Mahirap at masakit.
    Sandata ng isang OFW ang pananampalataya sa Kanya at sa palagay ko ito ang mas lalong nagpaandar sa isang Gasoline Dude.

    Be blessed, ser.

    ReplyDelete
  30. yown o!!!Kung di ka pa sumali sa PEbA di ko rin malalaman ang tungkol sa ex mo....hahaha!..ayus to pre!!!Binoto na kita..Goodluk pre..

    ReplyDelete
  31. nice entry, nakakapagpabagabag. Nyways malabo lang yung sinaktan or nasaktan ka na, lumapit ka pa. Sabagay ganun talaga siguro ang pagibig. Mabuhay ka gasul, wag ka na lang tataas.

    ReplyDelete
  32. Idol cguro nakatulong ung blogger meet-up last year, kaya habang binabasa ko to, naiintindhan ko ang emosyon behind the words.

    I wish you all the best! Go Dude!

    ReplyDelete
  33. sew tatsing!

    Ngayon ko lang nalaman na babae pala ang dahilan. Hehe. Tulad mo, ofw din erpat ko sa mid east. Kaya lang, ako medyo nasa plano ko talagang mangibang bayan kapag maliit ang sweldo dito oras na magkatrabaho na ko. Goodluck sa peba, sir.

    ReplyDelete
  34. sew tatsing!

    Ngayon ko lang nalaman na babae pala ang dahilan. Hehe. Tulad mo, ofw din erpat ko sa mid east. Kaya lang, ako medyo nasa plano ko talagang mangibang bayan kapag maliit ang sweldo dito oras na magkatrabaho na ko. Goodluck sa peba, sir.

    ReplyDelete
  35. sew tatsing!

    Ngayon ko lang nalaman na babae pala ang dahilan. Hehe. Tulad mo, ofw din erpat ko sa mid east. Kaya lang, ako medyo nasa plano ko talagang mangibang bayan kapag maliit ang sweldo dito oras na magkatrabaho na ko. Goodluck sa peba, sir.

    ReplyDelete
  36. sew tatsing!

    Ngayon ko lang nalaman na babae pala ang dahilan. Hehe. Tulad mo, ofw din erpat ko sa mid east. Kaya lang, ako medyo nasa plano ko talagang mangibang bayan kapag maliit ang sweldo dito oras na magkatrabaho na ko. Goodluck sa peba, sir.

    ReplyDelete
  37. Very moving po ang entry nio sa PEBA, gayun pa man nakaka inspire.

    Ilang beses din ako natamaan ng global crisis na yan, pero di ako nakalipat ng ibang kompanya bagkus palipat lipat lang ng bansa. 3 din, Dubai-India-Malaysia!!

    Mabuhay ang OFW!!

    Good Luck po!!

    ReplyDelete
  38. Shit, man. This is good, so real.

    I never even stumbled reading it, even it's in tagalog.

    ReplyDelete
  39. Ganda neto. Bihira kame magkainteres sa ganito kahabang post, pero para syang "harry potter book". Tipong hindi mo titigilan dahil gusto mong malaman ang kasunod. Magaan ang loob namin sa mga pabasa na may kinalaman sa mga ermat. Bomoto nga pala kame. Susubukan din naming humatak ng boto para sayo sa facebook page. Salamat sa patambay.

    ReplyDelete
  40. tyinaga ko tong basahin sa phone bago pumasok,at hindi nasayang ang aking oras. :]

    natouch ako ng sobra.
    actually kagabi iyak ako ng iyak kasi namimiss ko na magulang ko.
    gusto ko na ng buong pamilya.

    sabi ko nga,mas mahalaga pa din ang pamilya kesa sa pera.

    ReplyDelete
  41. napakaganda nang paglalahad ng kwento. isang mapagkumbabang puso nang isang tunay na anak ng Bayan.

    ganito pala ka epektibo ang paggawa ng kwento nakikilala mo agad ang isang tao sa kanyang panulat.

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  42. Ngayon ko lang ito nabasa, at syempre, binoto kita sa PEBA...
    Dati din akong OFW at natutuwa ako sa mga kwento ng mga katulad nating nagtrabaho at patuloy na nagtatrabaho sa ibang bansa... maraming iba't-ibang karanasan na nakakaantig sa damdamin at nakakapagbigay inspirasyon.
    Best wishes on your entry & God bless!

    ReplyDelete
  43. ang ganda nito...makakareleyt talaga nga mambabasa nito...

    Goodluck gasdude!

    ReplyDelete
  44. congratulations po sa inyong entry :) mabuhay ang lahat ng OFWs sa buong mundo!

    ReplyDelete