Thursday, October 6, 2011

40 Days


I started fasting last Saturday, so I’m already on my Day 6 as of this writing. Sinabi ko ito sa ilang mga kaibigan at kakilala ko, at karamihan sa mga reaksiyon nila ay “BAKIT?!” Naisip siguro nila na ‘fasting’ is just an alternative term for dieting.

I can’t blame them if ever. Kahit nga ako mismo ay hindi makapaniwala sa mga pinaggagagawa ko nitong mga nakaraang buwan. Hindi naman ako ganito dati.

But I’m happy. I’m responding to God’s call. I know I’m on the right path.

Isang beses na lang ako kumain sa isang araw. I can take liquids anytime (except milk), but no snacking whatsoever is allowed. Medyo naging struggle siya kasi matakaw talaga ako. Sanay akong kumain ng madami, at hindi nawawala ang rice sa meal ko. Mahilig din ako sa junk foods kaya ang hirap kasi ngayon tuwing lunch na lang ako kumakain. Bawal na ang merienda, bawal pa ang midnight snacks.

Nagkaroon kami ng bonding night kasama ang ilang mga kaibigan nung isang gabi. Nagluto sila ng pasta tapos nag-order pa ng pizza. Meron din silang nilutong Pinoy dish (hindi ko matandaan kung afritada o mechado) plus kanin. Guess what?! Hindi ako kumain! Kahit tikim hindi ko ginawa! Uminom lang ako ng iced tea tapos lumayo na sa hapag-kainan habang tumutulo ang mga luha, pasinghot-singhot pa.

Gagawin ko ito sa loob ng 40 araw.

Sabi ng barkada ko, "Baka lumabas ang abs mo Pards after 40 days..."

Sana nga. Mas masaya 'yun 'pag nagkataon.

23 comments:

  1. Ayy. Solid. Haha. Dakila. Yan ang di ko kaya. Lord, wag muna ganyan ang calling mo sa akin. Please? Hahaha. I'll die. God bless sa goal mo kuya. Keep it up, kusa nga sisingaw ang abs dyan. Sisingaw? LOL.

    ReplyDelete
  2. pag nagka-abs ka after 40 days, makikigaya ako. ahahaha.

    ReplyDelete
  3. Pag may malalim kang dahilan/burning desires kaya mong gawin ang kahit na anong sa tinging ng iba o mismong ikaw ay imposible.

    sa puso mo lang actually nagawa mo na.Ramdam ko.

    Congrats.

    diyan mo mapapatunayan na ang dami mo pa palang pweding gawin na di mo pa nagagawa.

    ReplyDelete
  4. Gasdude,hehehe! Ayos yan fasting mo na yan ah! Pero sa fasting kasi ay isang uri ng pagdarasal.Saka ang fasting ay hindi para sa sariling mga kahilingan kundi para sa ibang tao,sacrifice kasi yan eh!isa pa ang fasting hindi inaannounce kasi dapat walang makakaalam ng ginagawa mong sakripisyo. Dapat din ay may mga prayers in between. Pwede kang tumigin sa bible para malaman ang mga ito.As you learm more about fasting mas malalaman mo ang tunay n purpose nito. kasi pagsasakripisyo ng sarili yan para sa ibang tao.Yan po ang pagaayuno. hehehe! Pero tuloy mo lang yan just be more prayerful din

    Ingat

    ReplyDelete
  5. "When you fast, do not look somber as the hypocrites do, for they disfigure their faces to show men they are fasting. I tell you the truth, they have received their reward in full. But when you fast, put oil on your head and wash your face, so that it will not be obvious to men that you are fasting, but only to your Father, who is unseen; and your Father, who sees what is done in secret, will reward you" (Matthew 6:16-18).

    Sensya na gasude ah pangalawang comment ko ito!Hehehe!Uhhmmm, para mas makita mo yung purpose nito!But i'm happy for you kasi nagagawa mo ang mga ito.Saka ang fasting ay hindi lang din sa pagkain kundi pagtalikod sa mga nakasanayan ng hilig ng ating laman.Sacrificing one's comfort to praise our Lord and to pray for others

    Salamat sa post mo siguro mas malalaman ng ibang kristyano ag tungkol sa fasting!ingat uli!

    ReplyDelete
  6. hanga ako naa kinakaya mo itong iyong sakripisyo, but let me ask, ano yung dapat maachieve mo after 40 days?

    curious lang.

    ReplyDelete
  7. @ Drake:

    Nabuhay ka! Kumusta? Natuloy ba pag-uwi mo ng Pilipinas?

    Sagutin ko lang 'yung mga comments mo:

    1. "...Fasting ay isang uri ng pagdarasal."

    Fasting is a discipline that should be done with prayer and devotion. It's not prayer per se.

    2. "...Ang fasting ay hindi para sa sariling mga kahilingan kundi para sa ibang tao, sacrifice kasi yan eh..."

    Kung nabasa mo 'yung previous post ko tungkol sa mga struggles ko lately, malalaman mo kung bakit ako nagpa-fasting ngayon. Aside from refocusing & developing that spiritual discipline, gusto ko ding mas maging intimate 'yung relationship ko with God.

    'Yung pagkakaroon ng abs, hindi ko talaga kahilingan 'yan. Pero kung ibibigay ni God, why not? LOL!

    3. "...Ang fasting hindi inaannounce kasi dapat walang makakaalam ng ginagawa mong sakripisyo."

    It depends on the intention. Meron kasing nagpa-fast pero pakitang-tao lang. First time ko kasing gagawin 'to, and honestly I need some guidance & support. Sinabi ko mostly sa mga kaibigan ko sa church kasi una para may accountability at pangalawa, humingi din ako ng prayers from them.

    4. "...Pero tuloy mo lang yan just be more prayerful din."

    Sure! Meron ka bang prayer requests? Ipagdadasal kita. :)

    Hahaha salamat sa pagdalaw ulit dito sa gasolinahan. Miss ka na ng blogosperyo. :)

    ReplyDelete
  8. Yup okay yan gasdude!yup fasting is not a prayer per se!pero kailangan magkasama lagi yan!parang buy 1 take 1!hehehe!

    If you are praying for God's guidance and direction,tama yan! pero personal na kagustuhan o kahilingan parang hindi ata applicable yun!Heheh! Group fasting ( ewan ko yung ang tawag dun)okay yun kasi may guidance mula sa bawat isa, pero pag individual dapat talaga sikreto ang mga ito, kasi ang fasting ay pagiging humble at pagpuri sa Dyos! Basta keepit up bro, magandang simula yan!

    Yup nakauwi ako last august at uuwi uli ako this december! yehey! Ikaw ba?

    ReplyDelete
  9. @ Drake:

    Haha kakabasa ko lang ng pangalawang comment mo. Yes Bro, nabasa ko din 'yang verse sa Bible. Before naman ako nag-fast, na-orient na ko ng spiritual mentor ko. Sabi ko nga, it all depends on one's intention. Ako kasi, fasting talaga 'yung ni-reveal sa 'kin ni God for me to do. It's a response to His call.

    ReplyDelete
  10. @ Drake:

    ADIK! Honestly Bro, wala talaga akong naging personal na hiningi before ako nag-fast kasi alam ko na it will somehow defeats its purpose. Meron lang akong mga kaibigan na nasabihan about it na hindi naintindihan 'yung concept ng fasting so they thought na nagda-diet lang ako. Hayaan mo sa susunod hindi ko na sasabihin na magpa-fast ako. Hahaha! Sensiya naman, novice lang. Kailangan pa ng matinding guidance.

    Hindi ako makakauwi sa December kasi mahal pamasahe. Ano na bang update sa 'yo? Chat ulit tayo minsan sa YM.

    ReplyDelete
  11. wushu....eh pano yan, may bday partey si jepoy tsaka si bulakbok :P di ka kakain?

    ReplyDelete
  12. Wow.. one meal a day, pero walang rice pa din. Only liquids.. water, juice.. except milk. Hmm.. Parang gusto ko ring itry.

    ReplyDelete
  13. wow ako nagfafasting lang tuwing holy week eh. good luck at sana maaccomplish mo yan. God bless :)

    ReplyDelete
  14. wow.. kahit fasting lang ng holy week di ko magawa.. hahaha

    ReplyDelete
  15. wow.. kahit fasting lang ng holy week di ko magawa.. hahaha

    ReplyDelete
  16. bilib ako sa determinasyon mo para sa pananampalataya (at sa abs).

    mabuhay ka!

    ReplyDelete
  17. seriously?? 40 days? grabe...3 araw nga hindi ko kaya..
    Sana mameynten mo yan gasul..
    mukang seryoso ka na talaga when it comes to your faith...nahiya naman me.

    ReplyDelete
  18. no rice?? must be tough. i like eating rice but in moderation. anyway, good luck and i do hope you meet your goal...

    ReplyDelete
  19. Ang alam ko sa fasting wala ka talalagang kakainin at iinumin. baka diet lang gusto mong gawin. si Jesus at Moises nag fasting for 40days pero yung iba ilang days lang.
    Maganda talaga magfasting kasi may benifits ito sa health pero ingat lang kasi iba ang panahon ngayon lalo na may work baka mahilo or lalo magkasakit.

    ReplyDelete
  20. Ang alam ko sa fasting wala ka talalagang kakainin at iinumin. baka diet lang gusto mong gawin. si Jesus at Moises nag fasting for 40days pero yung iba ilang days lang.
    Maganda talaga magfasting kasi may benifits ito sa health pero ingat lang kasi iba ang panahon ngayon lalo na may work baka mahilo or lalo magkasakit.

    ReplyDelete
  21. Drink water before and after every meal. Practice eating 2 to 3 bananas a day. It works! :)

    ReplyDelete
  22. Good job!!! Saludo ako syo Gas dude... hindi lahat kinakaya yan... mahirap pero kung motivated madali lng...

    God is with you...:)

    ReplyDelete
  23. ahaha! i admire the resolve. sana tuluy-tuloy lang... :)

    hello, gasoline dude. nakikiraan lang uli...

    ReplyDelete