Wednesday, November 9, 2011

One of Those Days


10 AM

Nahihirapan ako.

May mga panahong gusto ko ng sumuko. Kagabi lang sobrang pagod na pagod ako. Pagkagising ko kaninang umaga pagod pa din ang naramdaman ko. Pagod na nga ang katawan, pagod pa ang isipan. Ayoko na sanang pumasok, pero alam kong hindi puwede dahil marami pa akong kailangang gawin at tapusin na trabaho sa opisina.

Ang mahirap pa nito, kahit anong gawin kong pagsisikap sa trabaho, parang wala pa ring magandang resulta. Nauunahan na ako ng mga kasama ko pagdating sa ‘sales performance’. Kahit gaano kadaming proposals, sales calls at sales meetings ang gawin ko sa araw-araw eh parang wala pa rin. Pinanghihinaan na ako ng loob. Kailangan kong makabenta.


3 PM

Tuloy pa din sa pagta-trabaho. Hindi na ako sumama mag-lunch sa mga ka-opisina ko dahil hindi naman ako nagugutom. Kailangan ko ng mas maraming oras para mas marami akong ma-trabaho ngayong araw.

Pero naisipan kong magpahinga muna kahit sandali lang. Nakita ko ang Bibliya ko at sinimulan ko itong buksan at basahin:

"Be strong and courageous, and do the work. Do not be afraid or discouraged, for the LORD God, my God, is with you. He will not fail you or forsake you until all the work for the service of the temple of the LORD is finished.” (1 Chronicles 28:20, NIV)

Nagulat ako sa nabasa ko. Saktong-sakto sa kalagayan ko ngayon. Ramdam na ramdam ko na kinakausap ako ng Diyos.

Salamat po, Lord. Alam kong hindi mo ako papabayaan. This is just part of your Grand Plan, at kailangan ko lang na patuloy na manalig at manampalataya sa Iyo.


***************


Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumali sa munti kong patimpalak. Salamat kay Hartlesschiq, Kritikong Kiko, Jepoy Dee, Kuya Bob, PB Dela Paz, Iya_Khin, Lyzius, at Ahmer dahil sa kanilang pagtangkilik.

Puwede pang sumali! Kung gusto mong manalo ng 1TB Western Digital Portable Hard Drive, CLICK HERE. Salamat ng marami sa suporta. :)


18 comments:

  1. amen. Pag kasama mo si God walang di mo kakayanin.Just hang on.

    ReplyDelete
  2. hi kuya! bago na tong blog mo ah! :) nice! ganyan talaga ang lifeness! minsan ay parang di ka umuusad. :) keri lang yan ganyan daw talaga.

    KUMUSTA?

    -joshy

    ReplyDelete
  3. at least nagkaron ka ng lakas, :)

    that proves din na the Lord never sleeps nor leave you behind


    :D

    ReplyDelete
  4. yes sir sasali po ako. niluluto pa lang ang article. God bless :)

    ReplyDelete
  5. you need to take a break. stop for a while and let go of the tension that you feel.

    minsan ang pagod ay lalong lumalakas kung hinahayaan natin na controlin tayo nito.

    somehow you need to create or try to do something about the pagod... like chatting with friends, shopping or take a vacation.

    yung stats or performance sa work ay mahalaga but somehow hindi pedeng ibigay mo ang lahat-lahat sa work. kasi you live not for work alone.

    mahabs na to... to make it short.....tc.

    ReplyDelete
  6. funny how your post strike me the same way the bible had you. si Lord tlaga, ang galing :)

    Right now, we're on the same boat man, i know we'll get through this.

    ReplyDelete
  7. it's nice how divine intervention works. :)

    ReplyDelete
  8. Ok lang yan. Basta dapat wag parin pabayaan ang sarili dahil sa trabaho. BTW, natuwa pala ako sa layout mo ngayon, maganda at malinis sya tignan. Makasali nga sa contest mo.haha

    ReplyDelete
  9. Hi bro,

    Ako man ay may pinagdadaanan ngayon sa buhay ko kaya nakaka-relate ako ng husto sa kung ano man ang circumstances mo ngayon.

    At kagaya ng sinulat mo, tanging ang nasa Taas lamang talaga ang ultimate fortress natin pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

    Just keep the faith! and be blessed.

    ReplyDelete
  10. kung ano man ang pinagdadaanan mo brod, malalampasan mo rin yan. Kapit ka lang sa kanya, di ka nya pababayaan! :)

    ReplyDelete
  11. you're doing great Gasul...kapit pa tayo...

    Yung impression sakin nito I guess is God really wanted us to trust him completely, yung tipong dead on our self and trusting completely that God is in control. But syempre not legalistic na we will not do something about the situation. Gets mo?! ako hindi eh. Sabeh?!

    God Bless...

    ReplyDelete
  12. Alam mo yung sinasabi nila na sa Corporate World, hindi ibig sabihin na magaling ka ikaw na ang aangat. Naniniwala ako don. Eversince nag work ako, andami ko nakikitang mga matataas ang posisyon pero hindi naman masyadong matalas ang pag iisip. And I do not mean to question how they do their job, parang ang saken lang eh there are a lot of other people who can do that job better than them. Saklap na katotohanan na kailangan natin araw araw tiisin. Hay.

    Teka, gusto ko ren sumali dyan sa pakontes mo! Kaso nahihirapan ako mag isip kung pano ko isisingit ang Gasoline. Haha. Panic mode!

    Hello Gasdude!

    ReplyDelete
  13. amen to that sir!
    Its easy to say dont give up, dahil hindi naman ako sa kalagayan mo pero nakakarelate ako sa kung ano ang nararamdaman mo. kaya pa!

    hahabol pa ako sa pacontest mo. aahehe

    ReplyDelete
  14. Kaya yan!

    syempre, Pray sabay hardworks pa rin!

    ReplyDelete
  15. God will really never ever forsake you. =D God bless

    ReplyDelete
  16. hanga akoh sa faith moh... keep it kuya dude!... nasa sau na halos lahat... wafu sexy nd God-fearing! keep it up... sana umabot pa akoh sa pakontest moh... bzbzhan daw kc akoh.... i wanted d' shirt though! lolz.. ingatz... yeah *aja!* kaya moh yan.... may fave verse Philippians 4:13 "I can do all things through Christ who strengthens me"... ingatz... Godbless!

    ReplyDelete
  17. Galing ni God no? He manages to lift us up talaga when we need it.

    ReplyDelete
  18. sometimes God talks to us directly lalo na pagkailangang kailangan ntin yun.. He knows when we need it.

    God is good and He will do good to His son.

    GBu.

    ReplyDelete