Wednesday, December 7, 2011

Nailcutter: A Fairy Tale [REPOST]



Isang tagpo sa MRT.

Pumasok si Lalake sa loob ng tren. Nakakita ng upuan. Umupo. Na-bore sa pagkakaupo. Tiningnan ang mga kuko. Nakitang mahahaba ang mga ito. Binuksan ang bag. Hinalungkat ang mga gamit sa loob. Nakakita ng nailcutter. Kinuha ang nailcutter mula sa bag. Nagsimulang mag-gupit ng kuko sa loob ng tren.


Napansin ni Lola si Lalake. Nakita niyang nagu-gupit ito ng kuko. Biglang nainggit. Tiningnan din ang sariling mga kuko. Nakitang mahahaba din ito. Binuksan ang sariling bag. Hinalungkat din ang mga gamit sa loob. Nakakita ng sariling nailcutter. Inilabas ang nailcutter mula sa bag. Nagsimula ding mag-gupit ng kuko si Lola.


Nagsabay si Lalake at si Lola sa pagu-gupit ng kuko sa loob ng tren. Magkatabi pa sila sa upuan. Pareho pa silang nagkalat. Kawawang mga kuko. Kawawang mga tagalinis ng tren. Wala silang kamalay-malay.


And from then on, they both lived happily ever after.

The End.

LOL!


********************


Ito ang entry ko sa patimpalak ng isang blogger friend na si Gillboard. Isinulat ko ito last November 2008. Natawa ako sa sarili kong sinulat. Puwede na ba akong maging humor blogger?


27 comments:

  1. naalala ko 'tong post na 'to. natawa ako dito.

    kulit nina kuya at lola.

    salamat sa suporta!!!

    ReplyDelete
  2. sarap i-stomp nito. hahaha. galing ng ninja moves mo ah, nakunan mo

    ReplyDelete
  3. pwedeng pwede sa humor blog. lols. antaray ng dalawa. kulang na lang nagkukuhan sila. :p

    ReplyDelete
  4. hahahha weeee... sasali ako dito.. at dun sa pakolo mo sasali din ako :)

    ReplyDelete
  5. hhhmm...thanx for reminding me. i need to get cut my nails as well. :)

    ReplyDelete
  6. Hahaha. Yun na nga ang simula ng pagmamahalan. LOL. Ang husay mo naman magpicture Koya ng di halata? Hahaha.

    ReplyDelete
  7. Gdude... u make my day... ang kulit... pude na nga sa humor.. hahahahha

    ReplyDelete
  8. Grabing tawa ko kasi akala ko may mas matinding kwento magaganap yong tiponglalapit si nanay sa lalaki at gugupitan ng kuko at ikaw na ang bahala sa mga susunod na mangyayari.

    ang galing ng umpisa biglang comedy ang ending. YOn na pala yon. hahahhah.

    ReplyDelete
  9. natawa ko, buti na lang walang tinamaan ang mga kuko nilang tumaltalsik!

    ReplyDelete
  10. pweding pwede na maging humor blogger, kawawang mga kuko sa tren pa natapos ang buhay nila haha

    ReplyDelete
  11. Shared psychosis ? haha..ay hindi..shared sentiments lang hehe...natawa ako rito ah haha

    ReplyDelete
  12. ang kulit! di mo nireport sa stomp? sayang ang bayad LOL


    goodluck sa contest ni GB

    ReplyDelete
  13. Hahaha. Hindi sana ko maniniwala eh. Parang kwentong barbero.. Oh, well, may pictures eh. Ang pinagtataka ko lang, paano mo sila nakuhanan ng litrato? hahaha.

    ReplyDelete
  14. hahaha! complete with photos! the best!

    ReplyDelete
  15. grabe naman tawa ko dito pwedeng pwede ka ng maging humor blogger!=D

    ReplyDelete
  16. Seriously, I laughed hard after seeing this.
    -DB

    ReplyDelete
  17. buti di nila napansin na kinunan mo sila ng picture hahaha

    ReplyDelete
  18. bwahahhahahahahhaha natawa ako! natural naman sayong magpatawa e! comments mo pa nga lang e hahaha

    ReplyDelete
  19. hahaha! pwede! mabuti na lang di nila napansing kinunan mo sila ng pictures. XD

    ReplyDelete
  20. pwede ka pong maging humor blogger, as long as natatawa ka sa sarili mong isinulat eh ok na yun, ako nga pinagtitiyagaan ko nalang mga isinulat ko pero kinokonsider ko na parang ganun din ako,,

    salamat po at magandang araw

    ReplyDelete
  21. This is so funny! Thanks for sharing! Buti hindi nila nahalatang pinipicturan mo sila at baka gupitan ka nila ng kuko.

    ReplyDelete
  22. LOL! This is just too funny! I wonder if the guy realized that the old lady was doing it too? Wasn't there any awkwardness? I see love! :D

    ReplyDelete