Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng suggestions kung ano ang pwede kong lutuin para dun sa babaeng tinutukoy ko sa mga previous posts ko. Karamihan sa inyo eh ang isinuggest eh ADOBO. Twice pa lang akong nag-attempt magluto ng adobo sa buong buhay ko. First attempt: PORK. Naging overcooked, at lasang lechong paksiw. Second attempt: CHICKEN. Undercooked naman, at naging oily at maalat. Fortunately, nakain ko naman sila na hindi sumakit ang tiyan ko. LOL! Kelan ko kaya mape-perfect ang pagluluto ng adobo?
Ang totoo niyan, hindi ako nakapagluto para sa kanya last weekend. Pareho kasing busy-busyhan, tsaka kung kelan naman wala akong pasok eh doon siya may trabaho. She’s a piano teacher, by the way. At sa mga nagtatanong, nope, she’s not Filipina. She’s Malaysian Chinese. (Carmen Soo? LOL!)
We’re still in the “getting-to-know-each-other” stage. Saka na ko magkukuwento ng mga detalye at baka maudlot pa. Torpe pa mandin ako.
********************
I just met up with a friend for dinner last night. He’s one of my closest here in Singapore kasi he’s also a confidante, a ‘shock absorber’, and a counsellor. Siya ‘yung kaibigan kong magaling tumayming dahil sa tuwing tatawag ‘yan para mangamusta eh nagkakataong may problema ako at kailangan ko ng kausap at taga-bigay ng advice. Siya din ‘yung una kong tinawagan nung natanggal ako sa trabaho dati, at nag-eencourage sa ‘kin na laging magsimba tuwing Linggo. We are, more or less, of the same wavelength at dahil halos magka-edad kami eh halos pareho kami ng maturity level.
Other than the reason of not seeing each other for a long time, we decided to meet up also because according to him, he’ll be leaving Singapore in March… FOR GOOD! Balak mag-New Zealand ng gago at doon maghanap ng panibagong trabaho
Nakakalungkot lang. People come and go...
Incidentally, magkakilala sila from MAPUA ng isang sikat na humor blogger na ngayon ay nagta-trabaho na din dito sa Singapore, ang first-time OFW na si Jepoy.



