Sunday, September 25, 2011

STRUGGLING


WARNING: This is another "What's wrong with me?" post. I am also writing this in full English as I found out this morning that one of the pastors in our church reads my blog. He's Samoan, but Filipino by heart. (Hi Pastor Neli!)

So... WHAT'S WRONG WITH ME?!

I was in good spirits on the way to church this morning. I woke up late though, so I took the cab... again. I was telling myself, "I cannot afford to be late for church... again!"

Unfortunately, I still arrived 10 minutes late despite opting for the faster transportation. Darn! I missed some part of the worship service! It's OK, I was telling myself. I was still feeling joyful to be in church and excited on what God's about to reveal to me.

Then our pastor started to talk about RACES. Not the I-am-Filipino-You-are-Chinese kind of race, but the one that usually involves running and competition. He then instructed us to close our eyes, and asked us, "What are you racing for?"

Several thoughts started to fill my head. I began to ask myself, "Yeah, what am I REALLY racing for?"

My first answer in mind was God. Then I started to doubt, and question myself, "Oh really now?! If I'm racing for God, how come I still do not fully obey & follow all His commandments?"

All my ‘sins’ these past days started to flash back at me. My pride & arrogance. My impure thoughts. My negative habits. My selfish actions. Oh shoot! The moment those dominated my mind, I started to tear up & sob like a baby! And I couldn't control myself!

I felt so defeated! :(


***************


I admit, I've been struggling lately.

Problems at work. Bad habits that are hard to break. Difficulties in focusing as I get easily distracted, among others.

Am I being attacked by external forces? The idea actually came to me, with my recent baptism, newfound faith, and all...

Or is it just me? Isn’t it that our biggest enemy is ourselves?

Last week inside my room while preparing myself for work, out of nowhere I saw this dusty manual on...

FASTING.


I asked God, "Are you trying to tell me something?"

So next month, I will embark myself on a spiritual journey and start a 40-day fasting.

Please include me in your prayers.


Thursday, September 22, 2011

ZZZZZ


I don't know what's wrong with me. I've been waking up really late these past days... uhm weeks. This morning I woke up at 9 o'clock, and I need to be in the office at 9 o'clock! WALAU EH! This is not becoming a good habit. :(

Good thing my boss is in Sri Lanka now. Maybe I need a new alarm clock?

Tuesday, September 20, 2011

RECONNECT




Guess what? I just made THE most important decision of my life so far. I got myself baptized ‘again’ last Sunday.

“The old has gone, the new has come.”

Even my mom got surprised. Being a devout Catholic, she wasn’t expecting me to do such a thing. I myself was born, raised, and educated a Catholic, but I dunno, I felt that something (or someone) was missing. For the longest time I had been living my life not really knowing my purpose. I kept on searching & searching, and I would always pray to Him, “Lord God, guide me and lead me to the right path.” I was lost big time.

Then two incidents happened: (1) I lost my job the second time around, and (2) I attended a Sunday service at this church with a blogger friend.

My life has been changed eversince.


Wednesday, September 14, 2011

Buhay Blogero


AKO: Bakit hindi ka na masyadong nagba-blog?

BLOGGER: Naging busy kasi ako sa totoong buhay.

Natawa ako sa naging sagot niya, but at the same time, napaisip din. Hindi ba considered na totoong buhay ang buhay ng isang blogero?

Ano nga ba ang buhay ng isang blogerong tulad ko? At first I thought it's all about expressing oneself thru blogging, may it be about your personal experiences, opinions, insights, or reviews. Pero mali pala, hindi pala natatapos sa pagsusulat lang. As you blog, you get to introduce yourself to other sources of social interaction. Dadating 'yung time na merong maliligaw sa blog mo, magbabasa ng mga sinusulat mo, at mag-iiwan ng bakas sa comments page mo. Ikaw din, maliligaw ka din sa blog ng iba, magbabasa ka din ng sinulat nila, at mag-iiwan ka din ng bakas sa kanila. The possibilities are endless, from getting a personal e-mail from an 'online fan' to a possibility of getting married to one. LOL! Have I mentioned before that I had once a GF because of blogging? (No intention of bragging about it. Too bad it didn't work out.)

I must admit, naging adik ako sa iba't-ibang klase ng social media, not just limited to blogs. Name it: social networking sites like Facebook, microblogging platforms like Plurk & Twitter, online forums like PinoyExchange & PinoySG, photo sharing apps like Instagram, and others. I got hooked dahil iba't-ibang klaseng 'high' ang nae-experience ko sa bawat isa. I get to express myself more, learn more at marami din akong naging kaibigan thru all these social media thingamajigs.

But it's not always been a bed of roses. Hindi lahat ng experiences ay naging maganda. FIRST of which, I think it has become an addiction, and I guess too much of anything is not good. Naapektuhan nito ang concentration ko sa ibang bagay, tulad ng trabaho. Hahaha! Pakiramdam ko eh hindi ako nagiging productive sa office kapag masyado akong tutok sa Twitter. (Ito ang reason kung bakit ako pansamantalang nag-HIATUS sa Twitter.)

SECOND, I've encountered some people online who, I just realized, are not really worth any of my time and attention. These are: (1) those malicious ones who don't have the purest of intentions. They would try to befriend you but afterwhich, gossip behind not just your back but everyone's backs, and utter not a single positive word about certain people; (2) those who excessively rants and complains about everything. I know that we all have the freedom of expression, but these people don't seem to have anything else to do but spread bad vibes around them. (This is actually not a rant post. I have come to accept that there are people who are like those, and 'to each one his own'.)

Come to think of it, my blogger friend made a lot of sense, so I'm planning to do the same. Huwag kayong mag-alala, hindi ko pa naman lilisanin ang aking 'online social life'. Babawasan ko lang siguro, as I need to prioritize on other things as well. Tulad niya, siguro kailangan ko ding maging busy sa aking 'totoong buhay'. :)


Thursday, September 8, 2011

CHANGES


May mga magiging pagbabago sa blog na ito.

Sana abangan niyo! Pero bago 'yan, ano sa tingin niyo ang mas maganda sa dalawa, (A) o (B)?


***************


Nominado po pala ang inyong lingkod sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) para sa taong ito. Matagal na akong hinihikayat na sumali sa patimpalak na ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng panahon at lakas ng loob.

Kung hindi naman kawalan sa inyong oras, puwede niyo bang basahin ang aking ENTRY at magbigay ng kumento? Puwede din kayong bumoto DITO para kahit man lang sa online voting eh magkaroon ako ng chance na manalo. :)

Salamat kaibigan!

Thursday, September 1, 2011

THREE


Tatlong araw.

Isang kaibigan ang dumalaw dito sa Singapore ilang buwan na ang nakakaraan. Isa siyang Australian na nagtrabaho sa Vietnam bilang isang English teacher ng mahigit sa isang taon. Nasiyahan siya sa kanyang pamamalagi at pakikipagsapalaran sa Asya, ngunit pagkatapos ng kanyang kontrata sa Hanoi, nagdesisyon siyang babalik muna ng Australia para muling mag-aral. Isa pa, gusto din niyang makita at makapiling muli ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa bansang kanyang sinilangan at pinagmulan.

Nakitira siya sa akin ng tatlong araw, isang pabor na kanyang ipinakiusap. Ako ang naging tour guide niya habang namalagi siya dito sa Singapore. Naging masaya ang naging bakasyon niya dito. Wala kaming ginawa kundi maglibot, kumain, maglaro sa arcade center, manood ng sine at magkuwentuhan. Nakipagkita din kami sa ilan naming mga kaibigan.


Pagkatapos niyang lumipad patungong Perth, bigla akong napaisip. Kailan kaya dadating ang araw na masasabi ko din sa sarili kong,

“Panahon na para bumalik.”



***************


Tatlong taon.

Tatlong taon na din ang nakakalipas.

Kay bilis ng panahon. Parang kailan lang. Hindi ko naman talaga ginustong magtrabaho sa ibang bansa. Wala ito sa mga plano ko. Isang OFW ang tatay ko sa Middle East noong nabubuhay pa siya, at alam na alam ko ang pakiramdam ng naiiwanan. Mahirap. Masakit. Pero kailangang indain ang pangungulila dahil tanging ang tatay ko lang ang nagtrabaho. Full time housewife ang nanay ko. Hindi kami mayaman, at kailangang masustentuhan ang aking pag-aaral.

Pero bakit nga ba ako nasa Singapore ngayon? Hindi ako katulad ng ibang OFWs na ang naging pangunahing hangarin ay ang kumita ng mas malaki. Siyempre kasama na din ‘yun, pero nandito kasi noon ang girlfriend ko na ex-girlfriend na ngayon. Marami kaming naging mga plano dati. Subalit bago pa man ako lumipad papunta dito, bigla siyang nakipaghiwalay sa ‘kin. Meron siyang nakilalang iba. Pinagpalit niya ako sa ibang lalaki.

Sobrang sakit. Ilang araw din akong umiyak. Pero sinabi ko sa sarili ko na pupunta pa din ako ng Singapore, hindi para suyuin at piliting makipagbalikan sa babaeng aking minahal, kundi para humanap ng mga kasagutan sa mga tanong na bumagabag sa aking isipan.



***************


Three jobs.

Sa tatlong taong inilalagi ko dito, tatlong kumpanya na din ang napasukan ko. Jobhopper? Pasaway? Hindi naman sa ganoon. Naapektuhan din kasi talaga ako ng global economic crisis noon. Lagi akong nasisibak dahil sa palagiang retrenchment ng mga kumpanya dito. “Last IN, first OUT”, ika nga ng iba. I’m on my third job now. Sa isang travel magazine naman ako napunta, at advertising sales ang aking naging linya. OK pa naman. Wala pa akong nakikitang ‘panganib’ sa ngayon.

Hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa, lalo na dito sa Singapore na puros competitive ang mga tao. Mas mahirap para sa ‘kin dahil hindi naman ako inhinyero, arkitekto, o isang IT professional. Hindi kalakihan ang suweldo ko dahil wala naman akong ‘technical skills’ na karaniwang in-demand saan mang panig ng mundo. Sabi nga ng isang kaibigang kapareho ko ng sitwasyon, tanging hitsura lamang at husay sa pananalita ang aming puhunan. Mabuti na lang talaga at parehong maganda ang lahi ng aking mga magulang, at napabarkada ako sa mga kaklase kong galing Ateneo High School nung college ako. Kahit papaano ay nahawa ako sa pagiging ‘slang’ nila kung magsalita.



***************

Tatlo.

Nabanggit ko na bang ako'y isang ‘only child’? Ako ang kaisa-isang anak nina Lito at Guada. Pero dahil namayapa na ang aking ama, ang dating ‘tatlo’ ay naging ‘dalawa’.



Walang araw na hindi ko naisip ang aking ina na nasa Pilipinas. “Sino ba namang anak ang nasa tamang katinuan na iiwanan ang kanyang 67-na-taon na magulang na nag-iisa?” ‘Yan lagi ang naging tanong ko sa sarili ko. Matagal-tagal din akong binagabag at hindi pinatahimik ng aking konsensiya.

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon-ngayon ko lang napagtanto na sa tatlong taong pamamalagi ko dito sa Singapore, kahit kailan ay hindi Niya kami pinabayaan ng nanay ko. Inalagaan kami ng Diyos tulad ng pag-aalagang ginawa Niya nung nabubuhay pa ang tatay ko at nagta-trabaho pa sa Middle East.

Dalawang beses na akong na-retrench sa trabaho pero nandito pa din ako.

Regular pa din akong nakakapagpadala ng pera sa Pilipinas.

Nagkasakit ang nanay ko kamakailan lang, at kakailanganin dapat niyang sumailalim sa isang operasyon. Maraming nag-alay ng kanilang mga dasal, at ngayon, isang himala ang naganap. Sinabihan siya ng kaniyang doktor na hindi na siya kailangang operahan.

Ilan lamang ‘yan sa mga biyayang aming patuloy na natatanggap.


***************



Tatlong taon.

Tatlong taon na din ang nakakalipas.

Habang sinusulat ko ito, tinatanong ko ulit sa aking sarili, “Panahon na ba para bumalik?”

Ang masasabi ko lang, this will be a lifelong journey. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, patuloy pa ring ipinapakita at inihahayag ng Diyos, kahit paunti-unti, ang mga plano Niya para sa amin ng nanay ko. Kailangan ko lang buksan lagi ang aking mga mata at tenga, at patuloy na manalig at magtiwala.

Dahil kung nalalapit man ang aking pagbabalik, alam ko na wala na akong dapat ipangamba pa.




(This is my entry for this year's Pinoy Expats/OFW Blog Awards, with the theme, "Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago".)