Monday, January 30, 2012

Positivity


Naranasan mo na bang mapunta sa isa sa mga sumusunod na sitwasyon? Ano ang iyong mga naging reaksiyon?

  • Akala mo OK ka ang iyong trabaho sa ibang bansa, pero dumating ang isang umaga na pinatawag ka na lang ng boss mo at sinabihang kailangan ka ng paalisin sa kumpanya dahil hindi na ito kumikita;
  • Hindi kayo ‘in speaking terms’ ng tatay mo, tapos bigla na lang siyang pumanaw ng hindi niyo naayos kung ano man ang inyong mga naging hindi pagkakaunawaan;
  • Pumila ka buong hapon para makabili ng tickets para sa isang ‘dance party’. Inabot ka ng gabi sa kakahintay, at pagkatapos mong makarating sa ticket counter, biglang sasabihin sa ‘yong ubos na ang ticket;
  • Nagkasakit ang nanay mo sa Pilipinas, pero hindi ka makauwi para alagaan siya dahil sa trabaho;
  • Niligawan ng barkada mo ang babaeng gusto mo, at naging sila.

Life is full of ups and downs. Hindi puro saya ang buhay, meron ding lungkot at pighati. May mga bagay din na nakakapagdulot sa atin ng pagkadismaya, pagkainis at sama ng loob. At minsan kahit anong pilit nating pigilan ang mga pangyayaring hindi maganda, nangyayari pa din.

Hindi masamang maramdaman ang mga emosyong nabanggit, pero hahayaan mo bang lamunin ka ng mga emosyong ito? I’m a big believer and encourager of POSITIVITY, at natutunan kong may rason ang bawat pangyayari sa buhay natin, maganda man o hindi dahil…

Our minds are finite to fully comprehend an infinite God. Masyadong maliit ang utak natin para maintindihan natin Siya ng 100%. Minsan hindi natin maunawaan ang mga bagay-bagay, pero ang totoo niyan, whatever it is that has happened or is happening in our lives, may it be positive or negative, it’s just a small part of God’s bigger and greater plan for us.

Lahat ng limang sitwasyong nabanggit sa taas ay naranasan ko. Kung titingnan mo sila isa-isa, hindi sila magaganda at wala sa kanila ang katuwa-tuwa, but in the end, it all resulted for the better:

  • Kung hindi ako natanggal sa trabaho ko dati, hindi ako mapapalipat sa kumpanya ko ngayon na itinuturing kong isang malaking blessing dahil ang boss ko at karamihan ng aking mga kasamahan ay mga Kristiyano. Nagba-Bible studies kami every week;
  • Na-realize ko na I should live each day to its fullest. Mas na-appreciate at minahal ko ang natitirang magulang ko: ang Nanay ko;
  • God was probably testing my patience. Something might have happened bad kung natuloy akong mag-Zoukout (ang dance party na nabanggit);
  • God was telling me that I should not worry dahil Siya ang mismong nag-aalaga sa Nanay ko habang wala ako;
  • Some things are just not meant to be.


16 comments:

  1. sometimes, ang mga trials and problems ay may kasamang blessing. You just need to look for the bright side and everything will follow.

    ReplyDelete
  2. Gustong-Gustong-Gusto ko ang point ng entry na ito.

    I wish I am a kind of person na nakakyanang mag focus sa positive. Kung sabagay, lahat naman ng bagay natututunan...

    Ito na siguro ang tamang time para mas maging positive sa mga sitwasyon na hindi favorable sa akin.

    Ang seryoso ko. Not so Jepoy.

    Rakenrol.

    ReplyDelete
  3. tama just continue to believe that in every situation that we are facing, good or bad, are blessings from above... kung pangit yung situation natin na nararanasan, hindi pa agad agad marerealize ang magandang ibubunga nito sa buhay natin... pero meron at merong magandang bagay na kaakibat ito...
    dont worry dahil lahat ng nabanggit na sitwasyon mo are just little ones compare to others and yet a lot of them survived...
    keep the faith dude... im happy na natagpuan mo na SYA...

    ReplyDelete
  4. AMEN ako kay Lyzius!!! hihihihi

    ReplyDelete
  5. so true, so very true!! dahil dyan gusto kitang kantahan ng "DESERT SONG" ng Hillsong!

    sample: "all of my life in every season, You are still God i have the reason to sing, i have the reason to worship...."

    God is good, all the time.

    ReplyDelete
  6. siguro mapapamura ako. 'yung malutong na malutong na mura.

    pero totoo ang sinabi mo, brader:

    tayo = finite

    Siya = infinite

    kung ano man ang mangyayari bukas, bukas makalawa, sa susunod na linggo, walang ibang nakakaalam kundi Siya lang. wala nang iba.

    kaya nga hindi ako naniniwalang magugunaw na ang mundo sa 12/21/12. fuck them mayans and pseudo-prophets.

    ReplyDelete
  7. Hear Hear!




    Touche, sorry can not help it LOL

    ReplyDelete
  8. Naranasan ko ang pumila at sa bandang huli sasabihing wala ng ticket. Nakaka-badtrip!

    Kailangan lang timplahan ng positivity ang buhay para hindi lamunin ng negativity. :)

    ReplyDelete
  9. na-share ko na to sa isa sa mga blogs ko that Positivity/Positivism is not just a state of mind; it is actually FAITH in GOD. That as we continue to be faithful to Him, He will give us the BEST future that He had promised us.

    go, grow and glow bro!!

    ReplyDelete
  10. Sabi nga nila positivity sounds like possibility. All things are possible when you are positive.

    Regarding sa panglima... ang kasabihan namin sa grupo... when it's gone... it's gone. Quick someone new is fast approaching. =)

    ReplyDelete
  11. APIR! Ako rin kasi ay masyadong positibong tao, laging may bright side. Mas madali kasing masaya pag optimistic ka kesa sa pamumuhay ng puro negativity. Tama din yung kung ano mang nangyari o nangyayari sayo ngayon, part lang yan ng plan ni Lord at may mas maganda siyang plano para sayo. God bless you more Kuya! Stay optimistic!

    ReplyDelete
  12. and, yes, things happen for a reason. but the
    timing is always in His time.

    your new spiritual guidance has led you to more meaningful posts, sir.

    ReplyDelete
  13. Galing! pag alam mong kasama mo si God lahat maganda ang kalalabasan maging di man ito katangap tangap sa una.

    ReplyDelete
  14. i like this post, so positive outlook!

    thanks gasdude!

    ReplyDelete