Friday, January 6, 2012

Unang Bloggers Meetup sa Bagong Taong 2012


Happy New Year! Kasalukuyang tinatamaan ako ngayon ng writer's "blogger's block" kaya matagal-tagal akong hindi nag-update ng blog. Pinaplano ko pa namang gumawa ng year-ender post, pati na din maglista ng resolutions / faith goals ko para sa 2012 pero pati 'yun eh hindi ko matapos-tapos. Hayst!

Salamat nga pala sa lahat ng sumali sa aking pa-contest. WOOT! 64 ENTRIES! Heto ang listahan ng lahat ng lumahok: CLICK HERE. Pinapahirapan niyo kaming mga hurado, at hindi pa ako tapos magbasa ng lahat ng akda. Try kong inannounce ang winners by end of this month.

Ang ikukuwento ko muna sa inyo eh 'yung naging unang meetup ko ngayong taon dito sa Singapore kasama ang aking fellow OFW blogger na based sa Saudi Arabia, si DRAKE. Oo, nagkita na din kami sa wakas ng matagal ko ng kakulitan na blogger na ito. Buti na lang at naisipan niyang dumaan muna dito sa Singapore bago bumalik muli sa Middle East galing sa kanyang bakasyon sa Pilipinas. Apir!

Tatlong taon ko ng kakilala at kaibigan si Drake. Nakalimutan ko na kung bakit at kung paano ako naligaw sa blog niya (or was it the other way around?) pero isa siya sa mga hinangaan kong bloggers dati dahil sa kanyang angking kayabangan kakengkoyan at kagalingan sa pagsusulat sa Tagalog. Natuwa din ako dahil minsan niya akong pinadalhan ng fan mail na talaga namang nakapagpataba ng aking puso dahil punung-puno ito ng encouragement. Sinabihan niya akong ipagpatuloy ko pa ang aking pagsusulat dahil nakaka-relate siya sa nga kuwento ko. Minsan ko na din siyang naka-kuwentuhan sa Skype at sinabihan ng ilang problema, at para itong isang tatay kuya na buong-lugod namang nagbigay ng mga payo.

Kaya naman nang sinabihan niya akong dadaan siya ng Singapore eh na-excite ako ng onti. Kahit nilalagnat ako ay kinita ko sila ng bespren niya sa Esplanade after New Year, tapos tumuloy sa Sentosa para maglakad-lakad, magkuwentuhan at mag-picture picture na din. Medyo naging mabilisan nga lang ang naging pagkikita dahil naka transit flight lang si Drake at kailangan din niyang bumalik sa airport that same day. Hindi ko tuloy siya nalibre ng chili crabs at chicken rice.

Salamat kaibigan. Sa wakas at nagkita din tayo sa personal. Ako'y na-eexcite sa bagong yugto ng iyong buhay. Humayo ka at magpakarami. Haha kitakits ulit!

(P.S. Sa simula pa lang ay sinabihan na ako ni Drake na bawal mag-post ng pics sa blog kaya ni-blur ko na lang mukha niya. LOL! Siya ay isang anonymous blogger daw.)




22 comments:

  1. naks faith goals, woot, go brader, kami rin nagpi-prepare na :)

    intindi naman namin kung bakit on slight hiatus ka, kaw ba naman ang wagi sa dami ng dyumoin sa iyong pakontes, syempre sleepless nights sa judging, good luck syo bro!

    ReplyDelete
  2. grabe ang daming sumali sa pacontest mo. ikaw na kuya ikaw na hihi =D

    anyway..isa si kuya drake sa mga unang naging kapalitan ko ng komento kaso bigla siya nawala tulad ng pagkawala ko noon. at mukang till now busy pa rin siya. pakisabi kay kuya drake ganda ng katawan nya. yun lang nakita ko eh =D

    ReplyDelete
  3. Congrats sa dami ng sumali. wala na nga ata ako pag asa manalo haha ...

    buti naman nagkita na kayo ...

    ReplyDelete
  4. di na yata anonymous yan ngayon si Papa Piolo este Drake. LOL.

    nasurprise ako nung nameet ko yan, kala ko kung sinong artista. hehehe

    ReplyDelete
  5. ayos!!! unang eb for 2012!!! mag-eb nga rin tayo hehehe

    ReplyDelete
  6. di na masyadong active sa blog si drake. sinusubaybayan ko pa naman post nia.

    sayang. akala ko makakalimutan nia na ang pagiging anonymous. hahaha, may request padin sya na di makita ang face.

    ikaw na ang naka-meet kay drake!

    ReplyDelete
  7. Nice.. nakapag meet sila. Ako ninanais ko ring ma meet ang mga kapwa blogger ko though kokonti lang ang friend kong bloggers. Hopefully this 2012. :)

    ReplyDelete
  8. Hanggang dito pala eh bawal pa din ipakita ang mukha. Nung umuwi siya sa Pilipinas, dapat kasama ako sa imimeet niya kaya lang di ko nakilala sa tawag niya sa akin. LOL. Sayang.

    ReplyDelete
  9. sana libre niyo ko ni jepoy at joel ng chili crabs and chicken rice pag napadaan ako diyan haha...o baka ako ang gawin niyong chili crab at chicken rice haha ^^ nice one..happy new year boss

    ReplyDelete
  10. Kaya nagtaka ko kung bat naka-blur yung photos. Binasa ko ulit yung dulong sentence. Kaya pala. Hehe. Happy new year!

    ReplyDelete
  11. wow, anon pala 'tong si drake! parang ako lang. lol!

    ngayon pa lang ser, binabati na kita sa gasolina writing contest mo. andami ngang sumali. mukang madugo ang labanan ah. congrats congrats ser!

    tsaka pala pinuyir! \m/

    ReplyDelete
  12. ako din eh hangang-ghanga ako kay sir drake.. sayang nga at biglang tumigil sa pagsusulat :(.. pero nice to know buhay pa pala siya.. ahahha joke lang naman

    ReplyDelete
  13. Wow! 62 entries? Congratulations! Angdami naman! Good luck sa mga judges at contestants. :D

    Ahh, sya si Drake? Hello, Drake.. hehe..

    Happy new year, gasDude! :)

    ReplyDelete
  14. Hahaha! Wow ang saya naman may isang post na dedicated sa akin!Hahaha! Teka gagawa nga ako ng isang entry to pay tribute sa sikat na sikat na blogger na tulad mo! Hahaha! gasul it was my pleasure to meet a very good friend like you! Sobrang naenjoy ko ang eb natin na yun at sobrang naenjoy ko ang stay ko sa singapore! Medyo nung nakita ko alam kong ikaw na yun!hahahah! Sa hilig mo sa pics impossibleng hindi kita mamukaan! Teka nga at gagawa na rin ako ng entry tungkol sa meet up natin hehehe! Intayin mo yun!hehehe! Thanks uli pareng gasul hope magkasama sama uli tayo!hehehee ingat and God bless!

    ReplyDelete
  15. daming sumali sa pa contest.....ayos ito.....kailan ang sunod na pa kontest mo..

    ReplyDelete
  16. hangswit ahh... parang nag-date lang kaung dalawa ahh... lavet! happy new year kuya dude nd kuya drake.. ang mga wafu kong kuya... hugz! Godbless!

    ReplyDelete
  17. Puta yang si Drake. Um-attend ako ng kasal nya at napanood ko syang sumayaw ng Careless Whisper.

    ReplyDelete
  18. Nababasa ko rin blog ni drake di ko alam na friends pala kayo! More blogger meetup sana sau dis 2012! =)

    ReplyDelete
  19. saya naman!! gusto ko ding mamasyal ng SG..kailan kaya?! ililibre pa ako ni Jepoy eh!!

    familiar ang mukha ni Drake...blurry na fez,hihihihi!

    ReplyDelete
  20. saya naman :) natatawa ako sa pagkakablur nya alam mo yung blind item ang datin haha good luck this year gasul, tanggalin na yang blogger's block na yan haha

    ReplyDelete
  21. hindi n ko nakasali sa pacontest mo ...

    daming entries nun ah ...

    sana sa susunod makabawi at makasali :)

    ReplyDelete
  22. gusto ko din yan chili crab at rice... oh...

    pag ako napadaan jan sa singapore...meet mo din ako ha... hahahhaahaha

    wala naingit lang ako...

    napadaan lang...ingats.

    belated merry xmas and happy new year!...

    ReplyDelete