Monday, April 9, 2012

Samu't-Saring Updates


  • Sobrang busy ko ngayon. Kahit sa pagba-blog eh nawalan na ko ng oras. More than a month na pala akong hindi nag-uupdate. Ang totoo niyan, marami akong kuwento. Wala lang talaga akong oras magsulat. Tara, mag-kape na lang tayo at sa personal na lang tayo magkuwentuhan.

  • Lumipat na pala ako ng trabaho. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi ako nakakapag-blog. Nagkaroon kami ng konting alitan ng boss ko sa dati kong kumpanya. Hindi ito naging madali para sa akin kasi 'mentor-protege' ang turingan namin sa isa't-isa. Naayos naman namin ang sitwasyon pero nag-decide pa din akong umalis. Nagkikita pa din naman kami every week dahil pinupuntahan ko siya tuwing Sabado sa opisina.

  • Nag-birthday ako last month. Hindi na ako nagbalak na mag-celebrate dahil pagkatapos kong magka-problema sa trabaho, akala ko uuwi na ako ng Pilipinas kaya naisip ko na kailangan kong magtipid. Nagpunta na lang ako sa Sentosa at nag-solo flight. Dinala ko ang aking banig, inilatag sa tabi ng dalampasigan at nagbasa ng libro. Pero nakakatuwa dahil meron akong mga ilang kaibigan na talagang nag-exert ng effort para puntahan ako sa Sentosa at dalhan ako ng birthday cake. Salamat sa inyo dahil ako'y naligayahan ng lubos. Salamat din sa mga tumawag at nag-greet thru SMS, WhatsApp, iMessage, Viber, Facebook, at Twitter.


  • Tulad ng aking nabanggit, akala ko katapusan na ng pamamalagi ko dito sa Singapore. Handa na naman akong umuwi kahit wala akong masyadong naipon. Alam ko kasing hindi naman ako papabayaan ng Diyos. Pero ayun, kahit sinasabi ng iba na mahirap makahanap ng trabaho ngayon, mabait pa din Siya. He gave me a new job, and a better one at that! Tila sinasabi Niya sa 'kin na, "Meron ka pang unfinished business diyan. Hindi ka pa puwedeng umalis." It really pays to put your complete trust in Him. :)

  • Lovelife? Ano 'yun? Haha madaming naiintriga sa aking previous post at kahit sa personal ay lagi akong kinukulit. Dadating din naman 'yun, 'wag masyadong atat. Ang totoo niyan, may mga bagay na mas importante kesa sa lovelife, kaya 'wag ma-pressure at 'wag mam-pressure ng iba. LOL

  • Marami pa akong kuwento. Try ko ulit mag-update this week. :)

20 comments:

  1. hahahah.. sabi nga nila may rason kung bakit...
    yun oh daming chikas na kasama.. pakilala naman diyan...

    ReplyDelete
  2. Oo nga, ang tagal na. :D Busy is good. :D

    ReplyDelete
  3. Sir,
    bakit hndi po ako makapag-comment sa last entry mo?

    Ay, siguro po ung nasa last entry ang unfinished business mo :p

    ReplyDelete
  4. bro na-miss namin ang updates mo and we are glad that u got a better job! agree rin ako na meron ka pang purpose dyan sa sg kaya continue to seek Him first and believe that ALL these things shall be added unto you... including your lovelife :)

    ReplyDelete
  5. Sadyang matagal nga ang naging hibernation mo dude. Pero anu't-ano pa man, kagaya ng sinasabi mo, di ka talaga pababayaan ng ating Ama. Patuloy tuloy lang ang ikot ng buhay. Welcome back sa pag-ba-blog.

    Sa lovelife naman, makikita mo din ang kapiraso ng tsinelas sa takdang panahon (big brother lang eto) hahaha..

    Good luck and God bless you always. Cheers to good life!

    ReplyDelete
    Replies
    1. congrats sa new work. Di ka pinabayaan ni Lord :)

      Delete
  6. heheheh.... ayaw pang iwento ang lablayp. sabagay... mas maging private matters mo na yun.

    buti naman nagkaayos kayo ng ex-boss mo.

    ReplyDelete
  7. "'wag ma-pressure at 'wag mam-pressure ng iba"

    -LOL! Good luck on your new job!

    ReplyDelete
  8. ayun, akala ko di pwde magkoment sa blog mo. di ako makakoment dun sa previous entry mo eh. dahil di kita nabati nung march 25, ngayon ako babati kahit super late na! happy beerdey kuya gasul! :) God bless you always! ---JM

    ReplyDelete
  9. Ganon pa man belated happy birthday.

    ReplyDelete
  10. Birthday gift ni God yan :-)

    Nice to know that everything went well

    ReplyDelete
  11. ang dami nating similarities, lahat ata ng blogger friends ko hiatus din. XD haha, kasama ako. :) Tapos na ang college life now i have the time to blog and read blogs.

    Happy Birthday, anung email mu sa FB? i'll add you. :) atleast di man kita makita personal atleast close tayu sa FB.

    I ♥ coffees too, at mas masarap ang personal na kwentuhan kasama ang mainit na kape tulad ng meron ako nagyon habang nag boblog. :)

    Anu din ang lovelife at tama ka, darating sila as in SILA haha, ang dami! :)

    bakit ganun tayu nu? walang ♥life?

    ReplyDelete
  12. Welcome back to blogging time! God is good. Wish you all the best sa new job mo. A brand new start for u. Make the most out of it! =)

    ReplyDelete
  13. abangan pa naman ang mga kwento mo kuya ako man eh ang daming gustong ikwento pero di ko alam kung san ako magsisimula. haha =D

    ReplyDelete
  14. kukulitin kita....asan si lablayp na?!!!

    ReplyDelete
  15. kung nasa singapore lang ako eh...hehehe...i think kasi masarap ka kakwentuhan bossing, heniways, belated happy bday po :)

    ReplyDelete
  16. Belated po kuya :)

    Can't wait for your upcoming stories :))

    ReplyDelete
  17. belated happy birthday... nd natutuwa akoh sa faith moh sa Kanyah.. keep it up... later... Godbless!

    ReplyDelete
  18. unang-una, belated.

    pangalawa, ain't god great? he is good. all the time.

    pangatlo, dahil mas maganda na trabaho mo ngayon magpakape ka naman. hehe

    ReplyDelete
  19. wag magpapressure...sos ka.....di nga/? sino ang bagong lovelife..? ahahhaha...
    Same as you, I also have a new job. which I totally love. Good to know that you're still doing fine.
    Belated sir!

    ReplyDelete