Wednesday, May 2, 2012

Usapang Late


Sa Pilipinas pa lang, struggle ko na ang tardiness.

Maaga akong magising tuwing umaga, pero sobrang matagal akong maligo at mabagal akong magbihis. Kahit sa dati kong trabaho lagi akong late, pero malakas ang loob ko dahil hindi naman ako atat na umuwi agad. Sa isip ko, basta makumpleto ko ang walong oras kada araw sa opisina, OK na 'yun.

Pero sa bago kong trabaho, mahigpit ang policy pagdating sa tardiness. Makaka-receive ka ng notification sa Skype from Admin kapag late ka ("Please be reminded that your official working hours are from 9:00am to 6.15pm from Mondays to Fridays..."), pero binibigyan naman kami ng grace period na 10 minutes. Maaga ding pumasok ang boss at mga colleagues ko kaya naman nakakahiya talaga kapag hindi ka on-time kung pumasok.

Kaninang umaga, pakiramdam ko male-late na naman ako. 8:15 ng umaga na ako nakaalis ng bahay. Kumusta naman?! 15 minutes bus ride mula bahay hanggang sakayan ng tren. 20 minutes train ride mula Tampines hanggang Aljunied. Isa pang 10 minutes bus ride mula train station hanggang pinakamalapit na bus stop sa office, tapos 5 minutes walk mula bus stop hanggang building. Hayst! Iniisip ko pa lang, nakaka-stress na.

Pagkadating ko ng Aljunied after the train ride, almost 9 AM na. Nagsimula na akong magdasal. "Lord, sana may taxi... Lord, sana may taxi... Lord, sana may taxi..." Inisip ko, meron pang 10 minutes na grace period.

Biglang may dumating na taxi. Walang pasahero! Nagulat ako. Mahirap kasing sumakay ng taxi sa Aljunied. Ayus! Thank you Lord! Bait mo talaga! Pinara ko ito, at sumakay.

It really pays to pray.

Pero late pa din ako nakarating ng opisina.

Timecheck: 9:11 AM.

**********

REFLECTION:

As Christians, we have our own responsibility to walk in holiness. Our journey doesn't stop from just accepting Christ as our Lord & Saviour. A good name and a good reputation is also important as a Christian, and that all our actions point back at Him. That's why we should continue to persevere and be diligent in living a Christ-like life, despite the struggles, trials and difficulties. Bad habits such as habitual tardiness doesn't bring honor and glory to His name.

Bibilisan ko na ang pagligo at pagbihis sa susunod para hindi na ako male-late.

"Pursue holiness, for without holiness no one will see the Lord." (Hebrews 12:14)



31 comments:

  1. mabagal din ako kumilos sa umaga hehe,
    more than 30 mins ako nasa la mesa kumakaen, ewan q b,

    hilig kong magmuni-muni hehe

    kaya yan kuya gasul!

    :))

    ReplyDelete
  2. I am reminded. Thanks for this post :-D

    ReplyDelete
  3. ay hindi ko sakit ang tardiness kahit nung nagaaral pa lang ako..ser gasul time management lang yan at kung hindi na madala eh pray mo nalang yung boss ang ma late..hehehe

    ReplyDelete
  4. Mahirap talaga kapag nakasanayan na,... Pero iba pa rin kapag nagpepray :) Hehe!

    ReplyDelete
  5. Pareho tayo, lesson learned maaga matulog at maaga gumising hih

    ReplyDelete
  6. pede din i-adjust mo ang gising mo ng 30 mins. than the usual para you will have ample time for your morning rituals. :D

    ReplyDelete
  7. Hehehe. Ako rin hirap ako sa umaga pumasok... Pero sayang, 1 minute! :D

    ReplyDelete
  8. dumating sa point ng life ko na sinasadya ko na ma-late sa sobrang pagka burned out sa work hehehehe

    ReplyDelete
  9. Its nice to be back here sa bagong bihis mong bahay. (kulay lumot but i like it haha)

    Iba talaga ang oras ng mga pinoy. marami dito nyan sa'tin...maaga at mabilis man magbihis late pa din kasi nuknukan ng traffic dito.

    ReplyDelete
  10. hala sayang naman 1 minute hehe :) dont worry you'll get over it, just always think that you can do all things through BRO who strengthens you! at sa palagay ko, bilisan mo lang maligo e for sure di ka na male-late!

    ReplyDelete
  11. haha sakit na ata ng mga pinoy ang pagiging late :) nice reflection :)

    ReplyDelete
  12. hay sakit ko rin ito :( i received countless memo dahil sa tardiness and had my salary deducted..pero choks lang kasi alam ko naman kasalanan ko iyon and right now ginagawan ko naman ng paraan para hindi na ako masyadong late like magising ng super aga. haha

    ReplyDelete
  13. ako din laging late....tsk...

    ReplyDelete
  14. At least ready ka na to make a change. Iba talaga ang malapit kay Lord. :))

    ReplyDelete
  15. haha funny sakit koh ren yan and funny kanina i was one minute late den... tsk!... kukuwentuhan pa sana kitah sa mga lates koh pero eh hwag nah... napadaan ditoh kuya wafu dude! later... Godbless!

    ReplyDelete
  16. ako hirap na hirap bumangon yun ang dahilan ng pagiging late ko medyo mabilis naman kasi akong kumilos. =D

    ReplyDelete
  17. i so like the post script. akala ko kung anong ka artehan pero yeah it really pays to pray. kung nag pray ka siguro ng mas maaga, di ka siguro malelate, feel ko lang! haha

    ReplyDelete
  18. ako rin dati hirap gumising ng maaga. pero nahasa ako dahil sa trapik ng espana papuntang uste. kaya madilim pa lang, bangon na agad! pag late sa flag ceremony, maglilinis ng escudero garden, omg dont like!

    ReplyDelete
  19. At least 1 min. late ka lang. Hahaha. Amen!

    ReplyDelete
  20. hmmm... i-friend mo kz c mareng grace (period)! kumare ko kz sya e!

    ReplyDelete
  21. Ganyan din ako! Pero sanay na yun team leader ko, inaadjust na lang nya yun time in ko sa log sheet. Ahehe.

    ReplyDelete
  22. ako din late parati.. huhuhuhu

    ReplyDelete
  23. Amen! *nods*

    Nakaka-relate ako sa post nato. Dito kasi samin, yung boarding house namin sa UP campus, medyo malayo talaga sya sa dorm area. Mga 500 meters ata ang lalakarin papunta sa waiting area nd UP-ikot (traysikel). So.. etong mga estudyante, nagrereklamo sakin.. malamang joke lang din, pero siguro yung iba, dinadaan sa joke kahit na seryoso.. Sabi, bakit daw ang layo pa ng boarding house namin.. Kaya lagi silang nale-lalate papuntang school. 7am class nila, darating sila ng campus 730 kasi maglalakad pa sila.. NAKU NAMAN! Eh kung i-set kaya nila ang alarm clock nila at 5AM. Tapos maligo nang 530AM. Kumain ng breakfast ng 6AM. Wala namang trapik samin dito. Ewan ko lang kung male-late pa sila..

    Ay.. post ko ba to? Wala.. dumaan lang. Gandang araw, GasDude. :)

    ReplyDelete
  24. ang dami mong sakay bago makarating ng office gasdude yon ang nakakastress.gaano ba katagal mag shower at magbihis. kasi nagagawa ko yan ng 25 minutes lang yata at sa tingin ko mabilis na yon.

    alam ko maraming empleyadong mas pagod sa biyahe kaysa sa mismong ginagawa nila sa work.struggle much.

    ReplyDelete
  25. hmmm... mahirap na problem yan. di mo rin naisip mag palit ng career? galing din ako sa office noon pero ngayon full time online worker na so walang late late. hehe. problema lang nga bilang na bilang ang oras.

    ReplyDelete
  26. Ayaw ko rin malate simula nung narinig ko na... people who are always late are thieves of other people's time. Parang make sense namin the moment na pinaghihintay mo ang tao pag late ka... para mo na ring ninakaw ang oras nila... so better be early.

    Early bird na!

    ReplyDelete
  27. ayun... ang galing talaga ni lord no kaso nga lang nahuli ka ng 1 min...

    ReplyDelete
  28. parang ayokong magtrabaho,
    lagi kasi akong late sa klase

    ReplyDelete
  29. haha
    pinoy time ka pala, ha
    nakaw
    good luck

    ReplyDelete
  30. Prone din ako sa pagiging late. Ang ginagawa ko 1 hour in advance alarm clock ko, hehe

    ReplyDelete
  31. naku pareho pala tayo, gasul, laging beating the red light..hehe.. madalas pa nga natawag pa ko ng taxi pag alanganin na talaga..sayang tuloy ung addtional na $3.30 ata un o $3.50.. kakahiya kasi pag late.. di naman bawal kaso andun na lahat sa meeting tapos ikaw hangos na hangos kasi kakadating mo lang..obvious talagang kadarating lang.. hehe

    ReplyDelete